Maja gustong subukan kung totoong magkaibigan na uli sila ni Kim

Hindi naman ikagagalit ni Gerald Anderson kung ayaw siyang makita ng girlfriend na si Maja Salvador sa concert nito bukas sa Music Museum na pinamagatang  Maj: The Legal Performer. Dahil katuwiran nito mako-conscious lang siya at baka magkamali-mali pa kapag makita na pinanonood siya nito nang live. Mas mapapalagay pa raw siya kung ang bago niyang nakabatiang si Kim Chiu ang makikita niya na nasa front row ng Music Museum, dahil ibig sabihin talagang bati na sila at balik na ang kaibigan sa pagsuporta sa kanya.

Sa totoo lang, pinakamasipag si Maja sa pag-iisip ng paraan para mapaganda ang concert niya. Siya pa ang humihiling ng mga mahihirap na kanta na gagawin niya sa concert. Ganun siya katiwala sa kanyang sarili bagaman at kapag hindi na niya nakikita sa kanyang harapan si teacher Annie (Quintos ng The Company) ay inaabot siya ng kaba. Pero sandali lang ito, agad siyang nakakabawi. Ganun siya katiwala sa ginawa nitong pagtuturo sa kanya. She would not have minded kung sa mas malaking venue siya pinapag-concert, pero feel ng mga namamahala ng career niya na this will come sooner than she expect. Sa ngayon, makuntento na muna siya sa sa isang repeat na magtataas pa ng tiwala niya sa sarili kapag nangyari.

Indie actress na si Angela Bayani may panibagong International Movie

Matapos manalo ng Best Actress ni Angela Ba­yani sa  katatapos na Urian, heto siya at nakuha  para gumanap na bida sa isang Australian movie na may pamagat na The Foreigners. Masuwerte ang indie actress na napapanood na rin ngayong madalas sa TV dahil major ang role niya, samantalang mas maliit ang roles nina Mercedes Cabral at Lance Raymundo na kasama rin sa nasabing movie. Suwerte rin si Lance dahil katatapos lang ng operasyon niya para maibalik sa dati ang mukha niyang nabagsakan ng barbell ng trainor niya peo heto’t may trabaho na agad siya.

Show comments