Seen: Kapupulutan ng aral ang pagtanggi ni Batangas Governor Vilma Santos na magbigay ng komento tungkol sa National Artist controversy na kinasasangkutan ni Nora Aunor.
Totoo ang sinabi ni Vilma na pagbibintangan siya na plastic kapag kumampi at aakusahan na inggitera kung hindi pabor sa isyu ang kanyang sagot.
Scene: Pangungunahan ni Marian Rivera ang pagrampa sa victory party ng 100 Sexiest Women ng FHM Philippines na magaganap ngayong gabi sa World Trade Center. Music icons ang theme ng FHM party.
Seen: Patalbugan ang ABS-CBN at GMA7 sa pangangampanya para sa kanilang mga programa at contract stars na nominado sa OMG! Awards ng Yahoo! Philippines.
Scene: Binisita ni Erik Santos sa London si Rachelle Ann Go. Excited si Erik dahil panonoorin niya ngayon ang Miss Saigon sa Prince Edward Theater bilang suporta kay Rachelle.
Seen: Sina Manila City Mayor Joseph Estrada at ang kanyang misis na si Dra. Loi Ejercito sa bail hearing kahapon sa Sandiganbayan ng kanilang anak na si Senator Jinggoy Estrada.
Scene: Ipinagbabawal na ang media sa loob ng Camp Crame kaya hindi na nila matututukan ang mga dumadalaw sa kulungan nina Senator Bong Revilla, Jr. at Senator Jinggoy Estrada.
Seen: Buntis si Louise delos Reyes pero hindi sa tunay na buhay. Buntis ang papel na gagampanan ni Louise sa episode ng Magpakailanman na mapapanood sa darating na Sabado.
Scene: Ang magkasalungat na balita ng ABS-CBN news at GMA7 News tungkol sa tunay na edad ng pumanaw na veteran fashion designer na si Aureo Alonzo.
Eighty four years old si Alonzo ang report ng ABS-CBN at 85 years old ang ulat ng GMA 7. Eighty six years old ang report ng mga broadsheet.
Nakaburol ang mga labi ni Alonzo sa Funeraria Paz sa Manila Memorial Park, Parañaque City. Sumakabilang-buhay si Alonzo noong Lunes, July 7.