MANILA, Philippines - Extra special ang mga handa ngayong Linggo ng gabi ni Chef Boy Logro dahil third anniversary na ng Idol sa Kusina sa GMA News TV.
Sa anniversary ngayong Linggo, ihahanda ni Chef Boy ang kanyang special Beef Caldereta habang binabalikan niya ang mga hindi malilimutang karanasan sa programa.
Bibisita rin si Donita Rose at maghahain ng kanyang Pan-Fried Salmon dish samantalang isang healthy pasta dish naman ang gagawin ni Marco Alcaraz. Ang co-host naman na si Bettina Carlos ang in charge sa mga sweets. Ipatitikim ni Bettina ang kanyang sikat na Brownie Ice Box Cake.
Inilunsad noong 2011, ang Idol sa Kusina ang unang programa ni Chef Boy bilang TV host. Simula noon, daan-daang masasarap na pagkain at sikreto sa pagluluto ang naibahagi na ng Idol sa Kusina na nakatanggap na ng Anak TV seal.
Siguradong mas marami pang masasarap at easy to prepare na mga pagkain mula kay Chef Boy ang matutunghayan sa Idol sa Kusina tuwing Linggo, 7:15 p.m. sa GMA News TV.