Jodi maraming natutunan sa pagiging ‘yaya’
Tumagal ng apat na taon ang unang teleserye na sinalihan ni Jodi Santa Maria, ang Tabing Ilog kung saan unang nabuo ang love team nina John Lloyd Cruz at Kaye Abad. Nakaka-two years naman ang family-oriented TV series naman niyang Be Careful with My Heart with Richard Yap.
Kung tutuusin, masaya na si Jodi sa kanyang mga supporting roles nang dumating ang role na Maya sa kanya na nagpabago ng takbo ng kanyang buhay at karera.
Inamin ni Jodi na hindi niya inasahan na darating pa sa kanyang buhay ang ganitong kagandang blessing na kung kelan siya nagkaroon ng sariling pamilya, nagka-anak at nahiwalay sa asawa ay saka naman siya naging major star.
Ayon kay Jodi, marami umano siyang natutunan sa kanyang pagiging Maya at pagiging bahagi ng isang serye na nagbibigay na pag-asa at positibong value sa mga manonood.
Bukod sa kanyang saraling pamilya, para na niyang second family ang bumubuo ng cast ng Be Careful With My Heart na hindi lamang naging daan ng kanilang pagiging solid ang samahan kundi nagdala at nagbukas pa ito sa kanila ng marami pang opotrunidad.
Dahil sa malaking tagumpay ng Be Careful With My Heart na hindi pa alam kung kailan magtatapos, magkakaroon ng free concert ang buong cast ma BCWMH sa Big Dome (Araneta Coliseum) sa darating na July 24 (Friday) sa ganap na ika-8 ng gabi na pinamagatang I Heart You 2 na ididirek ni Rowell Santiago with Louie Ocampo as musical director.
Bukod sa bumubuo ng cast ng BCWMH, makakasama rin sa I Heart You 2 free concert ang mga batikang mang-aawit na sina Erik Santos, Juris at Richard Poon.
Gustong pasukin ang fashion industry, Raymond mag-aaral sa London
Nakatakdang umalis patungong London ngayong July 26 si Raymond Gutierrez for a three-week short course, on trend forecasting sa Central Saint Martins’s College of Art Design. Mag-aaral din doon si Raymond ng may kinalaman sa fashion marketing dahil nagpa-plano siyang mag-put-up ng fashion business bago magtapos ang taon.
Habang nasa London, merong cameraman ang E! Channel na kukunan ang mga galaw at activities doon ng twin brother ni Richard na malamang mapasama sa ikalawang season ng It takes Gutz to be a Gutierrez.
- Latest