Usapang kalusugan at kagandahan sa GRR TNT

MANILA, Philippines - Ngayong Sabado alas-nuwebe hanggang alas-diyes ng umaga’y mga makahulugang paksa tungkol sa kalusugan at kagandahan ang tatalakayin sa  Gandang Ricky Reyes, Todo Na Toh  (GRR TNT)  prodyus ng ScriptoVision at napapanood sa GMA News TV.

Unang tampok sa programa’y ang pagdadala sa atin ni Mader Ricky sa mga kainang ang espesyalidad ay Bulalo. Magugulat kayo na ‘di lang ang paboritong putaheng  nilaga ang matitikman ninyo kundi iba pang tulad ng steak, ginataan, putsero at adobo.

Patitikimin din kayo ng paboritong almusal at meryenda ng mga Pinoy na champorado na gawa sa malagkit na bigas at lokal na tsokolate.  Ang kaibahan nito sa dating kinakain nati’y ang paglalahok ng iba-ibang pampalasang  panimpla at prutas.

Sa mga nagnanais na manatiling malusog at seksi ang katawa’y  may ipakikitang inumin si Mader na mula sa pinaghalu-halong prutas.  Mas mura ito kaysa mga food supplement na nabibili sa mga botika.  Gamot din sa ilang sakit tulad ng tubercolosis, diabetes at cancer.

Isang problemadong suki ng GRR TNT ang sumulat sa prog­rama at ‘di siya pinagkaitan ni Mader ng tulong.  Sa Wig Na Kaibig-ibig ay makikita n’yo ang kaligayahan sa ginoo matapos siyang madyikin ng mga taga-GRR  Salon.

Abangan din ang ipakikitang bagong uri ng Hair Rebonding na lunas sa mga sobrang  kulot ang buhok.

Show comments