Daniel santambak ang kinupkop na kamag-anak sa bagong bahay

Kamakailan ay naipakita na ni Daniel Padilla sa publiko ang naipundar niyang malaking bahay para sa kanyang buong pamilya. Ngayon ay palagi na raw excited umuwi ni Daniel sa kanyang bagong tahanan. “Sobrang happy ako,  nakikita ko ‘yung mga kapatid kong babae na tuwang-tuwa sila sa house. Sa totoo lang pare-pareho kaming excited umuwi ngayon,” nakangiting pahayag ni Daniel. “Kung dati palagi akong nasa labas, hanggang gabi ako sa kalsada, naglalaro kasama ng mga kaibigan ko, ngayon iba na. Kunyari galing akong concert, instead na lumabas pa at mag-party, nagyayaya na lang akong umuwi,” dagdag ng aktor. May ibang mga kamag-anak daw si Daniel na kasama nila ngayon sa kanilang bahay. “Ayoko kasi ng bahay na konti lang ang tao. Pareho po kami ni Mama (Karla Estrada) na mahilig magkupkop ng tao. Nakasanayan ko lang kasi talaga, na parang tig-one hundred kami sa iisang bubong,” pagbabahagi ng binata.

Matt magdadalawana ang panganay

Magkakaroong muli ng anak ang aktor na si Matt Evans. Matapos pakasalan si Katrina Farinas noong isang taon ay nakatakda namang iluwal na nito ang kanilang supling ng aktor ngayong buwan. “Anytime actually, pero ang due date niya talaga is July 14. Sobrang excited ako, sabi ko nga sa kanya, gusto ko ulit ipa-ultrasound. Kasi gusto ko makita ‘yung baby. I’m expecting a girl again. Kahit ano, basta healthy. Kasi siyempre kung lalaki tapos hindi naman healthy, siyempre mahirap naman ‘yun,” pahayag ni Matt. Babae rin ang unang anak ng aktor sa partner niya noon na si Johnelline Hickins. Kahit may anak na sa ibang lalaki ang pinakasalan ni Matt ay hindi naman daw ito naging hadlang sa kanilang pagsasama. “Sobrang mabuti. Wala akong kaproble-problema, sobrang sweet ng anak ko na panganay, si Hayden. Married life is very fine naman and sobrang happy and contented ako sa buhay ko. Sa bahay mabuti, kumbaga ako barkada ko, pamilya ko na eh. Siyempre buhay may-asawa na so parang kumbaga umiikot na ang mundo ko sa pamilya ko at trabaho. Ako bahay, trabaho, gano’n na lang. Kasi wala ka rin naman iba pang gagawin eh, kumbaga lahat naman napagsawaan ko na lahat ng dating ginagawa ko tapos in-enjoy ko rin naman ‘yung pagka-binata ko. Siguro magkakaroon ka lang ng hesitation sa pag-aasawa kung hindi mo pa na-enjoy ‘yung pagka-binata mo. Sawang-sawa na ako sa pagka-binata kaya nag-settle down na ako,” nakangiting paliwanag ni Matt.                                                                                               -Reports from JAMES C. CANTOS

Show comments