Show ni Bong tuloy kahit nasa kulungan na!

PIK: Isa sa nami-miss ni Sen. Bong Revilla ay ang halos linggu-linggong taping sa Kap’s Amazing Stories.

Mabuti at nakapag-tape pa si Sen. Bong ng ilang episodes kaya merong pang mapapanood na siya ang naghu-host.

Sa Linggo ay tatalakayin sa Kap’s Amazing Stories ang tungkol sa America’s Greatest Animals na nasa episode 1 ng part two ng Praiere.

So far, wala pang announcement ang GMA 7 kung sino ang papalit na host sa naturang education program.

PAK: Nagtataka si James Yap na ginawa pang isyu itong pag-amin niya na meron pa siyang isang anak bago kay Bimby. Matagal na raw niyang inamin ito at hindi naman daw niya itinatago.

Napag-usapan na raw ‘yan noon pa nung ipinagbubuntis pa ni Kris si Bimby.

Tama na raw na inamin niya sa publiko, pero mas gusto ni James na ma-panatili ang privacy ng una niyang anak, at kahit ang babaeng nabuntis nito ay ayaw na rin niyang sabihin kung sino pa.

BOOM: Ayaw nang patulan ng abogado ni Raymart Santiago ang mga sinabi ni Claudine Barretto laban sa kanya.

Si Claudine ang nag-react sa statement ni Atty. Castelo bilang sagot sa mga sinasabi ni Atty. Ferdie Topacio.

Ang sabi ni Claudine, maayos na raw sana sila ni Ray­mart para sa kanilang mga anak, nagulo na naman ngayon dahil daw sa mga pahayag ni Atty. Castelo.

Bahagi ng post nito sa kanyang Instagram account na mensahe para kay Atty. Castelo; “Does it make you happy na di maayos ang family namin bcoz of YOU???!!! Get a life.”

Sabi ni Atty. Castelo, hindi naman si Claudine ang kinakalaban niya kundi sinasagot lang daw niya ang mga pahayag ni Atty. Topacio laban sa kanya. Ang gusto lang daw iparating ni Atty. Castelo kay Claudine; “Yes Claudine, I have a life. I have a beautiful life!”

                                                      

Show comments