SEEN: Ang dialogue ni Ruffa Gutierrez na nag-move on na siya kaya hindi na magkakaroon ng part 2 ang relasyon nila ni Yilmaz Bektas kahit makipagbalikan ito sa kanya.
SCENE: Mas mahusay magbitaw ng dialogue si Mel Martinez kesa sa kanyang kapatid na si Maricel Soriano.
Parehong napapanood sina Mel at Maricel sa mga show ng GMA 7, ang The Half Sisters at Ang Dalawang Mrs. Real, respectively.
SEEN: Tinawag na arogante at elitista si P-Noy ng National Artist na si Bien Lumbera dahil inalis niya sa listahan ng mga National Artist si Nora Aunor. National Artist for Literature si Lumbera.
SCENE: Ang Ploning director na si Dante Nico Garcia ang direktor na nakulong sa Camp Caringal dahil sa estafa case na reklamo ni Harlene Bautista.
Bestfriend ni Judy Ann Santos ang claim to fame ni Dante.
Dinakip si Garcia sa Palawan.
SEEN: Malamig pa rin ang pakikitungo ni Manila City Mayor Joseph Estrada sa anak na si Jerika dahil sa pakikipagrelasyon nito kay Bernard Palanca.
SCENE: Nakatuon ngayon ang galit ni Claudine Barretto kay Atty. Ruth Castelo, ang abogado ni Raymart Santiago. Hindi natutuwa si Claudine sa pagsasalita ni Castelo dahil maayos na raw ang relasyon nila ni Raymart bilang magulang ng kanilang dalawang anak.
SEEN: Tatlong linggo na mawawala sa Pilipinas si Raymond Gutierrez dahil mag-aaral siya sa London. Mapapanood sa Season 2 ng It Takes Gutz to be a Gutierrez ang London trip ni Raymond.
SCENE: Gustung-gusto ni Lovi Poe si Rocco Nacino dahil ito ang madalas na nagpapatawa sa kanya.
Hindi pa handa sina Lovi at Rocco na aminin sa publiko ang tunay na estado ng kanilang relasyon.