Ano na nga kaya ang nangyari sa The Gift TV drama series ni Ogie Alcasid sa bakuran ng TV5?
May ilang linggo na ring nakapag-taping si Ogie and the rest of the cast na pinamahalaan ni Mike Tuviera until the management (of TV5) decided na ito’y i-shelved (for good?).
Since talent lang naman si Ogie, wala siyang magagawa kundi sundin ang desisyon ng management.
Starting July 7, mapapanood na si Ogie hosting the game show na Let’s Ask Pilipinas na kanyang minana kay Aga Muhlach na hindi na muling nag-renew ng kontrata sa TV5 na kamakailan lamang nag-expire.
Nagtapos na sa ere ang tawa serye show ni Ogie na Confessions of a Torpe na pinagsamahan nila nina Alice Dixson at Gelli de Belen. Wala na rin sa ere ang musical show nina Ogie at Megastar na si Sharon Cuneta, ang The Mega and the Songwriter pero nariyan pa rin ang weekly gag show ni Ogie sa Kapatid network, ang Tropa Mo Ko Unli.
Kasalukuyang nasa Bali, Indonesia ang mag-asawang Ogie at Regine (Velasquez) kasama ang anak nilang si Nate at mga magulang ni Ogie. Naroon din ang ex-wife ni Ogie na si Michelle van Eimeren at dalawang teenage daughters nila ni Ogie na sina Leila at Sarah at ang asawa nitong si Mark Murrow na isa ring Australian.
Sa kabila ng paghihiwalay nina Ogie at Michelle, they remained the best of friends at ganoon din naman ang kanilang respective partners na kakaiba at kahanga-hanga.
Huling nag-reunion ang mag-anak sa Singapore about two years ago. First time noon nakita ng mag-iinang Michelle, Leila, at Sarah si Baby Nate.
Artistang may amnesia nadagdagan na naman
Alam mo, Salve A., hindi na bago sa showbiz ang pagkakaroon ng “amnesia” ng maraming showbiz personalities na kilala ang mga entertainment writers kapag kaharap nila ang mga ito sa presscons pero kapag sila’y nasa labas ng presscon ay dedma na ang mga ito at biglang nagkakaroon ng amnesia.
Minsan may nakasalubong akong isang kilalang aktres ng Kapamilya network sa may escalator ng Shangri-la Plaza. Mag-isa ang aktres na ito na pababa ng escalator at paakyat naman ako. Nang kami’y magkatapat ay agad ko itong binati pero sa kasamaang palad ay dinedma ako. Granting hindi niya ako nakilala, sana bilang isang fan na lamang. A simple “hi” o “hello” o ‘di kaya ngiti from her lang naman ang hinintay ko bilang tugon pero ito’y kanyang ipinagkait.
This has happened many times hindi lamang sa akin kundi sa iba pa nating mga kasamahan sa panulat na may iba’t ibang experience sa mga amnesiac celebrities.
Oh, well.