PIK : Sinamahan ni Thea Tolentino ang dating kasamahan sa Protégé na si Mikoy Morales sa press preview ng pelikulang Overtime nina Richard Gutierrez at Lauren Young sa Podium nung nakaraang Lunes ng gabi.
Si Mikoy kasi ang gumawa ng musika ng naturang pelikula, at in fairness bumagay sa kakaibang style nina direk Wincy Ong at Earl Ignacio.
Iyun naman talaga ang isa sa talents ni Mikoy. Naintriga lang kami sa kakaibang closeness nina Mikoy at Thea. Sila na ba?
PAK: Ibang klase ang pagiging malinis at sobrang maselan nitong si kilalang aktres.
Totoo bang sa taping nito, walang makakapasok na ibang tao, lalo na mga utility, cameraman o PA sa dressing room niya dahil ayaw niyang mapasukan ng amoy araw ang lugar niya?
Kahit nga raw ang make-up artist niya, pagdating ng hapon, pinapapalit niya ng T-shirt, at sinisita niya dahil “amoy tuta” na raw ito.
Malinis naman kasi talaga si kilalang aktres, pero ibang klase din naman kung magtrato sa ibang tao para mapanatiling malinis ang kapaligiran niya.
BOOM: Nagbigay na ng statement si Nora Aunor tungkol sa pinag-uusapang isyu ng National Artist, pero pagkatapos ng pahayag ni Pres. Noynoy Aquino kamakalawa lang, hindi na muna ito nagsalita.
Ang latest na narinig namin, sobrang nasaktan daw ang superstar sa mga pahayag ng ating pangulo kaya hindi na nga raw ito lumalabas.
Hindi pa raw ito nagbigay ng ano mang sagot, pero marami naman ang nag-react at nagtanggol sa kanya.
Ngayong araw ay magkakarooon ng forum sa Ateneo de Manila ng mga taga-academe para pag-usapan itong desisyon ni P-Noy na tanggalin si Nora sa talaan ng National Artist.