Nagsalita na ang lawyer ni Nora Aunor tungkol sa maling pagkakaintindi ni P-Noy na nagkaroon ng drug conviction sa Amerika ang aktres na tsinugi niya na maging National Artist.
Mabigat ang paratang ng pangulo na convicted drug user sa ibang bansa si Nora.
Hinihintay ng Noranians ang sagot ni Nora sa nagkamaling paratang ni P-Noy laban sa kanya. May panawagan na mag-apologize si P-Noy kay Nora.
Sen. Miriam positive na gagaling sa stage 4 na cancer
Si Senator Miriam Defensor-Santiago ang matchmaker nina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero.
Malaki ang kinalaman ni Mama Miriam kaya nagkaroon ng relasyon sina Heart at Papa Chiz.
Tiyak na ikinalungkot ni Heart ang announcement kahapon ni Mama Miriam tungkol sa Stage 4 lung cancer nito.
Matapang na tinanggap ni Mama Miriam ang kanyang karamdaman. Balak niya na magpagamot at kapag in remission na siya, ang presidential candidacy ang kanyang next big announcement.
Marami ang nalungkot sa big announcement kahapon ni Mama Miriam na tinamaan ng lung cancer, kahit hindi siya naninigarilyo o umiinom ng alak. Hindi nila matanggap na may lung cancer ang isa sa pinakamatapang na senador na naghahatid ng katatawanan dahil sa kanyang mga hirit na nakakaloka.
Mabuti na lang, very positive ang attitude ni Mama Miriam na confident na gagaling ang kanyang sakit. Ang sabi nga niya, “My lung cancer is stage 4. I will go through treatment, see you in six weeks, fully cured of cancer.”
Jessica nag-resign pero hindi mawawala sa GMA
Hindi dapat malungkot ang fans ni Jessica Soho na nag-retire bilang bossing ng news programs ng GMA 7.
Mapapanood pa rin si Mama Jessica sa kanyang mga programa sa GMA 7 at GMA News TV.
Sa totoo lang, hindi ko ma-imagine na mawawala sa TV si Mama Jessica dahil nasanay na ang mga Pilipino na napapanood siya.
Para sa akin, si Mama Jessica ang tunay na Oprah Winfrey ng Pilipinas dahil rater ang lahat ng kanyang mga TV show at walang bahid dungis ang image niya bilang broadcast journalist.
Fans nina Raymart at Claudine waiting sa kanilang balikan
Hoping ang fans nina Claudine Barretto at Raymart Santiago na tuluy-tuloy na ang pagkakasundo ng estranged couple, alang-alang sa kanilang dalawang anak.
Waiting ang fans ng mag-asawa sa kanilang next move, ang pag-uurong ng mga demanda nila laban sa isa’t isa.
Hindi naman magandang tingnan na magkabati na sila pero tuloy ang hearing sa korte ng kanilang mga kaso at reklamo.
May lesson na matututunan sa naging problema nina Claudine at Raymart, ang huwag isapubliko ang kanilang mga personal na problema, lalung-lalo na kung tungkol sa pamilya at may mga menor de edad na posibleng maapektuhan.
Overtime naka-B sa CEB
Graded B ng Cinema Evaluation Board ang Overtime ng GMA Films na nagbukas kahapon sa mga sinehan.
Super promote sina Richard Gutierrez at Lauren Young sa kanilang pelikula dahil pinuntahan nila ang lahat ng mall shows para i-remind sa mga tao ang play date ng Overtime.
Hindi magsisisi ang mga manonood ng Overtime dahil nakaaaliw ang karamihan sa mga eksena. Ibang-iba ang Overtime sa mga suspense-thriller movie na nabibigatan ang kalooban ng audience pagkatapos manood.
Walang dapat ipag-alala ang direktor na si Wincy Ong na baka hindi maka-relate ang masa sa kanyang unang pelikula sa GMA Films. Relate na relate ang moviegoers sa kuwento ng Overtime at sa mga funny scene nito.