Aktor nag-blow out habang naghihintay sa aktres na hindi basta-basta nagti-taping

MANILA, Philippines - Imbes na magalit, pinakain na lang daw ng isang actor ang buong staff and crew ng kanyang kinabibilangang serye habang nagpapatay ng oras sa paghihintay sa aktres na kasama nila sa said serye.

Pati raw mga bata at nanonood ng taping pinakain na rin dahil nga wala naman silang magawa habang tengga sila at naghihintay.

Kasi nga raw dusa raw talaga hindi lang ang actor sa kasama nilang actress na madalas ay hindi ready na mag-taping kahit nasa set na. Nagkukulong daw ito sa waiting area niya at wala naman daw makalapit or else makakatikim ka ng talak sa kanya.

Buti na lang daw at pagkabait-bait ng bidang actor at sandamakmak na pasensiya ang baon tuwing may taping sila.

Edu at Gelli, maghuhuntahan; Tintin, pupulsuhanang taumbayan...

Mula nang i-launch ito last year, naging kilala na ang Face The People bilang programa kung saan pinag-uusapan ang mga pinaka-kontrobersyal na isyu ng bayan. Mula sa mga eskandalong bumulabog sa mga barangay hanggang sa mga problema’t isyung kinasangkutan ng mga artista’t sikat na persona­lidad, marami na ring natulungan ang Face The People na maresolba ang mga ‘di pagkakaunawaan at mga pagtatalo. Ngayong ikatlong season ng programa, masayang ibina­balita ng Kapatid Network ang mga ‘happy change’ sa ating paboritong talak talk show.

Simula Lunes (Hulyo 7) ay mapapanood na ang Face The People sa bago nitong timeslot na 10:15 a.m. Lunes hanggang Biyernes, back-to-back sa interactive game show ni Ogie Alcasid na Let’s Ask Pilipinas (eere ng 11:15 a.m.). Mas magiging malalim at balanse na rin ang pagpapayo at opinyon sa pagpasok ni Edu Manzano sa programa. Sa bagong segment nitong Sabi ni Edu, Sabi ni Gelli, si Edu na ang magbibigay ng machong pagpapayo at kakatawan sa mga opinyon ng kalalakihan sa mga isyu sa Face The People samantalang si Gelli de Belen pa rin ang pinagkakatiwalaang ateng ng taumbayan na ipaglalaban kung ano ang patas at tama base na rin sa kanyang mga karanasan bilang ina, kapatid at babae.

Tuluyan pa ring magiging parte ng Face The People si Tintin Bersola Babao. Kilala sa kanyang puso para sa public service, si Tintin ang magiging host ng Happy Change, isang social responsibility segment ng programa na tumutulong na magkaroon ng positibong pagbabago sa buhay ng kanilang mga case subject. Kada linggo, ibabalita ni Mamu Tin kung paano natulungan ng programang magbago ang buhay ng kanilang mga case subject. Dadalhin rin ni Tintin ang Face The People sa masa sa pamamagitan ng Sey ng Taumbayan – isang segment kung saan pupulsuhan ni Tintin ang mga opinyon ng mga pangkaraniwang tao sa mga isyung tinatalakay ng Face The People.

Sa unang harapan sa Lunes (Hulyo 7), gugulatin agad sina Gelli, Edu, at Tintin ni Maegan Aguilar nang mag-walk-out ito sa mismong pilot episode ng Face The People. Tatalakayin ng programa ang ‘di pagkakaunawaan ni Maegan at ng kanyang ama, ang Hari ng Pinoy Folk Songs’ na si Ka Freddie Aguilar. Nagsimula sa isyu ng nabubulok na gulay, ilalabas na daw ni Maegan ang nabubulok na mga baho ni Ka Freddie at ng kanyang asawang si  Bhabe : gaya nalang ng mga pagmamaltrato nito sa kanyang mga tauhan sa bar – malayung-malayo sa dating nagtatanggol sa kanyang ama sa parehong programa. Mapagbabati ba ng Face The People ang mag-ama? O magiging parang nabubulok na gulay na lamang ang kanilang pagsasama?

Edu single na naman, mukhang nakakuha ng fountain of youth

Speaking of Edu, in fairness parang nakatagpo siya ng fountain of youth. Aba mukhang batang-bata pa rin ang TV host na hanggang September na lang pala ang kontrata sa TV5.

Ito ay kahit wala na siyang girlfriend. Last na karelasyon ni Edu ang isang executive ng TV5 pero nauwi rin sa wala.

Kaya ngayon Edu is single and ready to mingle?

“Oo, matagal na akong nagmi-mingle, eh. But nobody wants to tingle, eh. Kaya umuuwi akong single na lang,” sagot ng TV host na hindi talaga kumukupas ang lakas ng sense of humor.

Samantala, ayaw nang pakialaman ni Edu ang buhay ni Luis Manzano. Ang feeling niya, matanda na ang anak para panghimasukan at bigyan pa niya ng mga payo.

“Never akong nakialam sa kanya. Bahala siya. You know, whatever my children do, I will always support them. All of them. And at 33 (si Luis), wala na ka­ming karapatang makialam. Honestly. At wala na rin kaming karapatang mag-comment sa mga tanong,” sabi ni Edu sa ginanap na presscon ng Face of the People kahapon.

Maging ang dalawa niyang anak na sina Enzo at Adi ay may kanya-kanyang buhay na rin, pero never din siyang nanghimasok. Alam naman daw niyang ayaw ng mga anak na pag-usapan ang kanilang mga lovelife kaya hinahayaan na lang niya. Pero may pagkakataon namang nakakasama niya ang mga ito at ang kani-kanilang karelasyon.

Robin kasama na sa Jasmine

Nasa TV5 na rin si Robin Padilla. Kasama na siya sa programang Jasmine na bida si Jasmine Curtis.

Mapapanood na siya hanggang sa ending ng palabas. Mismong si Ms. Wilma Galvante ang nagsabi kahapon sa presscon ng Face The People.

Matagal-tagal ding hindi napanood si Robin sa TV after na magtapos ang kontrata niya sa ABS-CBN.

Jessica pini-pressure daw kaya nag-resign as bossing ng GMA news department

True kayang pressure ang dahilan kaya nag-resign si Ms. Jessica Soho as head ng News Department ng GMA 7?

Yup, ayon sa isang source, grabe raw ang pressure dahil nga matindi ang kumpetisyon ng mga news program ngayon. Bukod daw kasi sa news programs ng ibang channel, siyempre kalaban na rin nila ang internet na mas nagpapa­lakas ng pressure. Wala pa naman inia-announce na kapalit niya sa posisyon ang GMA.                                                        

                                                                                        

Show comments