Naruto Shippuden at Kuroko’s Basketball may bagong season

MANILA, Philippines - Bagong adventure ang mapapanood sa bagong seasons ng Kuroko’s Basketball at Naruto Shippuden tuwing uma­ga sa bagong Team Animazing ng ABS-CBN.

Mas pinatinding team Seirin ang nagbabalik sa Kuroko’s Basketball matapos ang pagkatalo nila sa inter-high competition. Sa tulong ng kanilang nagbabalik na teammate na si Ki­yoshi, nakahanda na ang koponan na sumabak sa Winter Cup sa pag-asang mapataob ang Generation of Miracles. Madala kaya ni Kuroko sa tagumpay ang Seirin? Makatulong kaya ang kanyang bagong “Vanishing Drive” technique?

Samantala, nakasalalay naman kay Naruto ang kaligtasan ng Konoha city sa ikaanim na edisyon ng Naruto Shippuden.

Maghahasik ng lagim ang kalabang si Madara para tulu­yang mapasakamay ang buong siyudad. Para maisaka­tu­pa­ran ito, kinakailangan niyang makuha ang siyam na Jinchuriki o halimaw.

Sa halip na harapin si Madara ay magsasanay muna si Na­­ruto sa isang isla dahil ang ika-siyam na monster na tinatawag na Kyuubi ay nasa mismong katawan niya pala. Dito ay ma­uungkat ang kanyang nakaraan sa muli nilang pagkikita ng namayapang ina na siya ring magtuturo sa kanya kung paano ma-kontrol ang Kyuubi. Maging sapat kaya ang kanyang pag­hahanda bago siya mahanap ni Madara?

Show comments