Ai-Ai nakikipag-date sa bagets

 MANILA, Philippines – Inamin ng komedyanteng si Ai-Aid delas Alas na nakikipag-date siya ngayon sa mas bata sa kanya.

Sinabi ni Ai-Ai sa entertainment news site na Push na hindi na ito bago sa kanya.

“Parati namang mas bata yung nalilink sa akin kasi first yun yung binata. Kasi kapag kaedad ko na may mga asawa na yun or hiwalay, ganyan. Parati namang mas bata,” paliwanag niya.

Dagdag niya na masaya siya ngayon hindi lamang sa kanyang lovelife ngunit pati na rin sa kanyang career.

“Happy (ako), peaceful. And career happy din. Happy lahat.”

Aniya nasa getting to know each other stage pa sila ng hindi pinangalanang lalaki.

Hindi naging maganda ang kinahinatnan ng nakaraang relasyon ni Ai-Ai matapos silang maghiwalay ni Jed Salang isang buwan makalipas ang kanilang kasal.

“Naka move-on na ako. One year na rin sa May na hiwalay ako. Na-divorce na rin ako. Siguro I need to move on,” wika ni Ai-Ai noong Mayo.

Show comments