^

PSN Showbiz

Donita ibabalik na sa ‘Pinas ang anak

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kapag may sakit, dengue na agad? Hindi dapat mag-panic pero hindi rin dapat maging kampante! Dahil tag-ulan na naman, uso na naman ang baha. At siyempre kapag may baha, uso rin ang mga sakit katulad ng dengue, alipunga, at leptospirosis.  Kaya naman ngayong Martes (Hulyo 1), tatalakayin sa Basta Every Day Happy ang mga iba’t ibang sakit at health tips tuwing rainy season.

Kasama si Doc Samuel Zacate, Integrative Me­dicine Doctor mula sa Bo­rough Hospital and Longevity Wellness Center, alamin ang mga sanhi, gamot, at prevention ng tatlong pangunahing flood-borne diseases na ito. Ituturo rin ni Doc Sam ang ilang mga home remedies na kayang-kayang gawin na maaring makatulong para lunasan ang mga sakit na ito gaya nang paggawa ng tawa-tawa tea at papaya paste/syrup para sa mga dinapuan ng dengue.

Ang magaling na Kapuso actress na si Sherilyn Reyes ay magbabahagi rin ng kanyang personal experience noong nagkaroon siya ng Chikungunya.  Ano nga ba ang kaibahan nito sa dengue? These and many more interesting health tips ang hatid sa inyo ng programang pangpa-goodvibes.

Sa Miyerkules naman, matapos mawalay sa kanyang anak na si Joshua Paul nang ilang buwan, muli nang makakapiling ni Donita Rose ang kanyang anak sa pag-uwi nito sa bansa live na live sa Basta Every Day Happy!

At ang seryosong pinag-iisipan ng Basta Every Day Happy host, dito na pag-aralin sa Pilipinas ang anak niya for good. Kasabay nito ang concern ng isang mommy kung paano matutulungan ang anak niyang mag-adjust sa bagong school.

Sa tulong ng isang child psychologist, ano nga ba ang pwedeng gawin ng mga magulang upang maging komportable ang kanilang mga anak sa pagkakaroon ng panibagong environment? Paano nga ba nila matutulungan ang mga itong magkaroon ng bagong mga kaibigan? At anu-ano ang mga activities na maaaring gawin upang mas maging at home ang mga anak nila sa kanilang bagong eskwelahan?

At sa Huwebes, sa rami nang mga pakinabang na nakukuha mula sa bawang, madami ngayon ang apektado sa kakulangan at pagtaas ng presyo nito. Paano na nga ba ngayong hindi na ito afford ng karamihan sa mga Pinoy?  May maaari bang humalili sa bawang bilang panluto, panggamot, at iba pa? 

Aalamin natin yan mula sa master ng kusina na si Chef Boy Logro na lalagyan ng kakaibang twist ang mga nakasanayan na nating putahe na gina­gamitan ng bawang live ngayong Huwebes. 

Tutulungan naman tayo ng all-around host at all-around expert na si Ali Sotto na mas kilalanin ang kahalagahan ng bawang at kung paano mag-aadjust ngayong inaccessible na ito sa karamihan.  May special tips din sina Donita Rose at Gladys Reyes para sa mga nanay na kailangang mag-adjust sa kawalan ng bawang. Si Alessandra De Rossi naman, sisilipin ang kundisyon ng bawang-dependent na negosyong “Boy Bawang.”

Nakakairita, nakakainis, at nakakapikon ang mga ito pero mahal natin sila, ganyan talaga ang relas­yong magkapatid. Usapang sibling rivalry naman sa Biyernes.

Kasama ang sisters and frenemies na sina Saab at Maxine Magalona, ikukuwento nila kung paano sila mag-away at mag-ayos bilang magkapatid. Isang usapang makaka-relate ang mga nanay at mga magkakapatid na away-bati na ipapakita ang kahalagahan ng pagmamahalan ng pamilya sa Basta Every Day Happy ngayong Biyernes.

ALI SOTTO

BASTA EVERY DAY HAPPY

BAWANG

BIYERNES

BOY BAWANG

CHEF BOY LOGRO

DOC SAM

DONITA ROSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with