Derek at Cristine ‘nagkabalikan’!

Sabay-sabay pinost nina direk Andoy Ranay, Cristine Reyes at Derek Ramsay ang poster ng Viva Films movie na Trophy Wife. Marami agad ang nag-like sa poster at excited nang mapanood ang movie na muling pinagsamahan ng ex-couple kasama sina Heart Evangelista at John Estrada.

Kaya lang, kung maraming nag-like sa poster, may mga basher din at kung anu-ano ang sinasabi. Mabuti na lang at hindi sumasagot sina Derek at Cristine at hindi yata nabasa ni Heart ang nega comments.

Pinaka-excited sa apat na major cast si Heart dahil ngayon lang uli siya gumawa ng pelikula after a long time. In fairness, walang masyadong naka­kaalam sa story ng Trophy Wife, kaya walang spoiler na lumalabas.

Rocco at Lovi bihira nang maghiwalay

Sa nakita naming pictures sa Instagram (IG), successful ang show ni Lovi Poe at marami ang tao sa Toronto Metro Convention Centre sa Toronto na hatid ng GMA Pinoy TV.

Bukas, Juy 2, ang balik ng bansa ng aktres at siguradong matutuwa si Rocco Nacino na naka­katuwa ang post na “Dooon’t Gooo” bago umalis si Lovi. Halos hindi na naghihiwalay ang dalawa at pati sa workout ng aktres sa Elorde Gym na part owner si Rocco, ang aktor pa mismo ang nasu-supervise sa kanya.

Napansin pala namin na ‘pag nagdi-date sina Lovi at Rocco ngayon, minsan, ka-foursome nila si Enzo Pineda at ang GF (?) nitong si Leonora Virata. Naka-move on na talaga ng bonggang-bongga si Enzo sa break-up nila ni Louise delos Reyes.

Samantala, sina Lovi at Dingdong Dantes ang most hate characters ng viewers sa Ang Dalawang Mrs. Real. Nakakatuwa ang comments ng tao na gusto nilang sabunutan at sampalin si Lovi at type naman nilang kutusan at bugbugin si Dingdong para matauhan. Hahaha!

Bing nagseselos pa rin kay Mane?!

Aprubado kay Manilyn Reynes ang idea ni Janno Gibbs na mag-guest sa My BFF sina Bing Loyzaga at ang asawang si Aljon Jimenez. Bagay daw ang respected partners nila at okey kay Aljon ito. As for Bing, nagbiro si Janno na payag din itong mag-guest, basta wala sa taping si Manilyn, pero binawi rin agad.

Okey din kay Manilyn na mag-guest ang mga anak niya at mga anak ni Janno sa show. Kinakitaan niya ng hilig sa showbiz ang mga anak, pero kung siya ang masusunod, gusto niyang unahin ng mga anak ang pag-aaral bago mag-showbiz.

Nabanggit pala ni Manilyn na muli silang magbubukas ng maliit na food business ni Aljon at kundi kami nagkakamali, minsan na silang nagkaroon ng food kiosk, pero nagsara at ngayon, muling susubukang magnegosyo muli.

Richard-Lauren movie kakaiba ang istorya

Hindi lang co-director ng Overtime si Wincy Ong, siya rin ang sumulat ng script at i-expect na raw ng moviegoers ang isang interesting and exciting storyline. Tiniyak din nitong ibang Richard Gu­tier­rez at Lauren Young ang mapapanood.

Dagdag pa ni director Wincy, very Pinoy ang story ng Overtime. “When I wrote it, I always envisioned the scenarios from movies like Die Hard or Ta­ken, and what would they feel like if they happened in Manila. There have been many news reports of bombs going off in malls, offices and condomi­niums, but we haven’t really had a movie that’s about a bomb going off. When I wrote the script, I always put in mind that the Filipino is the best protagonist in a film like this because we Pinoys are very resourceful in times of crisis, and we never give up,” wika ni direk Wincy.

  Bukas (July 2) ang showing nationwide ng Overtime at kasama rin sa cast sina Mitch Valdes, Renz Valerio, Bearwin Meily, Roadfill, at Roi Vinzon.

Show comments