Deniece hindi makalapit kina Jinggoy at Bong
Malayo ang kulungan ni Deniece Cornejo sa selda nina Senator Bong Revilla, Jr. at Senator Jinggoy Estrada.
Nakakulong si Deniece sa Anti-Transnational Crime Division ng Camp Crame at nakakulong naman sina Bong at Papa Jinggoy sa custodial center ng PNP.
Maraming kulungan sa loob ng Camp Crame na malalayo ang distansya sa isa’t isa. Kung hindi ako nagkakamali, apat na gate ang dinaanan ko bago ako nakarating sa kulungan nina Bong at Papa Jinggoy sa custodial center.
Siyempre, naalaala ko si Deniece dahil naka-detain din siya sa compound ng Camp Crame. Hindi pa kasi naglalabas ng resolution ang judge ng Taguig Metropolitan Trial Court sa appeal ng kampo ni Vhong Navarro na ilipat sa Taguig City Jail ang grupo nina Deniece at Cedric Lee.
Babala sa mga mahihingan ng donasyon
Kaso ni Vhong niraraket ng ibang fans
May panawagan si Papa Tony Calvento sa mga supporter ni Vhong na tumutulong sa paghahanap ng hustisya sa pananakit na ginawa sa kanya ng grupo ni Cedric.
Si Papa Tony ang number one supporter ni Vhong, since day one.
Nawindang si Papa Tony nang malaman nito na may mga grupo ng tao na nanghihingi ng donasyon para sa laban ni Vhong.
Agree ako kay Papa Tony na hindi tama na gamitin ang pangalan ni Vhong sa panghihingi ng kadatungan. Never naman na humingi si Vhong ng financial help mula sa kanyang fans and supporters.
Ito ang mensahe na ipinararating ni Papa Tony sa mga
nanggagamit sa pangalan ni Vhong, pati na rin sa mga gumagamit sa kanyang Facebook account.
“If you really want to help Vhong Navarro, offer prayers instead of money. It is more powerful.
“If you really have so much cash, donate it to your favorite charity and ask for prayers again.
“With God and the truth on the side we will prevail. We will win this battle with His help and not the help of money nor other forms of donations.
“If there are other people who want to solicit don’t post it on my wall. Baka malagyan ng kulay ang pagtulong nating lahat.
“Maria Garcia you had no business posting the contributions nor Lialyn Espuerta asking a certain Ms. Magbanua to continue the support at huwag bumitiw. “Open your own page and be liable to the members who give in cash and donations. Not on my wall, please lang!”
Richard hindi pa makakawala sa GMA Films
Kagabi ang special screening ng Overtime sa Podium Cinema.
Ang sabi ng mga nakapanood, punum-puno ng suspense ang bagong pelikula ni Richard Gutierrez.
Hindi raw magsisisi ang mga nagbabalak na panoorin ang action-filled movie ni Richard na showing na bukas sa mga sinehan.
Lead actress ng Overtime si Lauren Young na honored dahil nabigyan siya ng chance na makapareha si Richard Gutierrez.
Hanggang sa September 2014 pa ang kontrata ni Richard sa GMA Films. Puwede pa siya na gumawa ng isang pelikula.
May mga script na ipinababasa kay Richard at may nagustuhan na ito pero hindi pa niya maaaring i-share sa public ang kuwento.
May offer kay Richard na movie project ang Star Cinema. Magagawa lang ni Richard ang Star Cinema project kapag natapos na ang movie contract niya sa GMA Films.
- Latest