MANILA, Philippines - Uy mukhang nagkaayos na ang dating mag-asawang sina Raymart Santiago and Claudine Barretto. Sa picture na inilagay ni Claudine sa kanyang Instagram account, magkakasama sila with their kids – Sabina and Santino, na aakalain mong isang maligayang pamilya at walang pinagdaraanang matinding awayan at batuhan ng akusasyon at demandahan.
Happy Day ang caption ni Claudine kaya maraming natuwa.
Pero walang ibang binigay na details si Claudine.
Pero ayon sa ABS-CBN.com nakakausap nila ang actress at sinabing :
“We may have failed as husband and wife but we will strive to be good parents for the sake of our children.”
At ang birthday ni Sabina ang dahilan ng kanilang pagsasama-sama uli.
PBA player na si Gary David tinanghal na kauna-unahang Celebrity Dance Battle Champion, tinaob sina Ciara, Priscilla, Iwa, at Rafa
Itinanghal bilang champion ang basketball star na si Gary “El Granada” David sa katatapos lamang na grand finals ng Celebrity Dance Battle ng TV5 kung saan nag-uwi sya ng P1M cash prize at tinalo nya ang apat pang celebrity finalist sa isang do-or-die dance showdown sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.
Napabilib ni Gary at ng kanyang dance partner na si Stephanie Sabalo ang buong audience sa kanilang death-defying dance performance na umani ng standing ovation mula sa mga judges na sina G Toengi, Ednah Ledesma, Regine Tolentino, Jose Javier Reyes, at Douglas Nierras (na nag-judge via online video conference live mula sa Italy). Nagbigay din ng pawang magagandang performances ang apat pang grand finalists na sina Priscilla Meirelles, Iwa Moto, Ciara Sotto, at Rafa Siguion-Reyna, kasama ng kanilang dance partners, kung saan napamangha din nila ang mga judges sa kani-kanilang mga spectacular moment sa dance stage, ngunit nangibabaw ng husto sina Gary at Stephanie dahil sa kanilang amazing stage presence at perfect precision sa pagsasayaw ng Latin Salsa sa fast beat na kantang Love Never Felt So Good ni Michael Jackson.
Julie Anne mas lumalim na
Handa na ngang suungin ng Kapuso singer/actress na si Julie Anne San Jose ang mas malalim na mundo ng musika sa pamamagitan ng release ng kanyang pangalawang album na Deeper sa ilalim ng GMA Records.
Tinaguriang Asia’s Pop Sweetheart dahil sa kanyang kakaibang karisma at galing sa pagkanta, patuloy na bumubongga ang singing career si Julie Anne. Nagmarka ang kanyang album kamakailan nang makakuha ang kanyang self-titled debut album ng 9x Platinum Record Award dahil sa pinagsamang digital at CD sales nito na humigit sa 135,000 units.
Kung ipinakilala siya bilang isang promising artist ng bright pop at R&B sa kanyang debut album noong 2012, ipapakita naman sa Deeper ang kanyang pag-asenso bilang isang recording artist at simpleng babae. Ngayong nakatakda na nga niyang iwanan ang kanyang teenage years, nagsisimula na siyang gumawa ng mga hakbang upang siya ay maging enduring figure sa local music industry.
Ang kanyang pinakabagong album ay naglalaman ng sampung all-OPM songs, kung saan anim sa mga ito ay isinulat mismo ni Julie Anne, kasama na rito ang kanyang title track na Deeper at ang kanyang lead single na Right Where You Belong, ang love theme ng pinakabagong primetime Korea nobela ng GMA network na The Master’s Sun. Samantala, ang gospel track naman nitong Christ in Us, Our Hope of Glory ay gagamiting theme song ng International Eucharistic Congress sa 2016.
Maliban sa mga awiting ito, maririnig din ang mga nasa puso ni Julie Anne sa mga kantang Blinded, Of Love’s a Crime, Diamond in My Eyes, Never Had You, Baby Had You, Baby U Are, Kung Maibabalik Ko Lang, at Tulad Mo.’’
Mabilis din itong naging matagumpay dahil kaagad nitong nasungkit ang No.1 spot sa i-Tunes Top Albums Chart noong Hunyo 1, ang mismong araw na lumabas ang digital format nito.
Ang CD format ng pinakabagong album ni Julie Anne San Jose sa ilalim ng GMA Records ay maari nang bilhin sa mga record outlets nationwide.