MANILA, Philippines - Ang most wanted ASAP performances at superstars ng bagong henerasyon ang babandera ngayong Linggo (June 29) sa ASAP 19.
Pangungunahan ng blockbuster tandem nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga ang pagdiriwang ng ika-20 anniversary ng Cinema One.
May surpresang hatid din sina Julia Barretto, Sam Concepcion, at Enrique Gil kasama ang iba pang cast ng Mirabella para sa finale ng teleserye.
May special task naman ang mga PBB ALL In ex-housemates na sina Jacob Benedicto, Ranty Portento, Aina Solano, Jayme Jalandoni, Michelle Gumabao at Alex Gonzaga kasama sina Robi Domingo at John Prats. Kilig-to-the-max ang hatid ng Teen Favorites na sina Janella Salvador at Marlo Mortel, Miles Ocampo at Jon Lucas, Jairus Aquino at Sharlene San Pedro, Nash Aguas at Alexa Ilacad at Gimme 5.
Makatindig-balahibong birthday concert performance ang handog ng World Champ Jed Madela; Trending T-Zone segment mula kay Toni Gonzaga; uber sexy birthday bash ang hatid ni Bangs Garcia. Hindi matatawarang Supahdance Showcase mula kina Kim Chiu, Gerald Anderson, Enchong Dee, Maja Salvador, Shaina Magdayao, Rayver Cruz, Iya Villania, Gab Valenciano, Nikki Gil, at Sam Milby kasama ang mga top models na sina Hideo Muraoka at Sam Adjani.
ASAP Sessionistas Richard Poon, Juris Fernandez kasama si Cookie Chua ng Color it Red. Mayroon ding Champions face off sina Jed, Angeline, Yeng Constantino, at Erik Santos. Acoustic unplugged kasama sina KZ Tandingan, Zia Quizon, Tutti Caringal, at Paolo Onessa. Pangungunahan ni Angeline Quinto ang Karaoke Kantahan kasama sina K Brosas at Marcelito Pomoy.
Bibigyang-buhay nina Zsazsa Padilla, Vina Morales at Mr. Pure Energy Gary Valenciano musika ng King of Pop Michael Jackson at China Crisis.
Makisaya sa Asia’s Outstanding Variety Show (runner up) sa 2014 ASIAN Rainbow TV Awards, ASAP 19, ngayong Linggo, 12:15nn, sa ABS-CBN.