^

PSN Showbiz

TV host ginigiyera ng mga dating kapanalig

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kung nakamamatay lang ang masasakit na parunggit at panglalait, siguro’y wala nang buhay ngayon ang isang alanganing babae-alanganing lalaking personalidad ng telebisyon, sa sobrang galit sa kanya ng isang grupo ng mga tagasuporta ng isang makasaysayang aktres ay halos isumpa na siya ng mga ito.

Lantad kasi ang pagiging tagahanga niya ng aktres, meron pa siyang madalas sabihin nu’n na sa anumang laban ay ipakikipagpatayan niya ang kanyang idolo, pero ngayon ay mismong mga taga-suporta nito ang nagpapako sa kanya sa krus at tinatawag pang traydor.

Personal na ang pag-atake na ginagawa sa kanya ng grupo, pati ang kanyang hitsura at kasarian ay pinanggigigilan na, puro kuda lang naman daw pala ang beking TV host at walang paninindigan.

 “ Traydor siya. Wala siyang isang salita! Nasaan na ngayon ang sinasabi niya nu’n na ipagl­alaban niya nang patayan ang idolo niya? ‘Pag nagka-ipitan na pala, e  wala naman siyang binatbat, nang-iiwan siya sa gitna ng laban!” isa lang sa mga atake sa beking TV host ng grupong galit na galit sa kanya.

Nakakalungkot naman. Kung sino pa ang maituturing na kagrupo niya sa paghanga sa iisa nilang idolo ay ito pa ang mga umaatake ngayon sa kanya.

Oh, boy...!

Nasaan ang table manners?: Actor-politician grabe kung makapagtinga sa sosyal na party

Pangaralan ang isang aktor-pulitikong magaspang ang ugali sa harap ng pagkain. Lukang-luka sa kanya ang mga nakasabay niyang mag-dinner nu’ng minsan sa isang pormal na selebrasyon.

Pagkatapos niyang kumain ay kumuha siya ng toothpick at walang pakundangang sinundot-sundot at sinungkit-sungkit ang kanyang mga tinga nang hindi man lang nagtatakip ng kanyang bibig.

 “’Yung malalaking piece, e, nilulunok niya, pero ‘yun sobrang maliliit na, e, idinudura-dura na lang niya. Nakakaloka dahil sanay naman siya sa mga formal gathering, lalo na nu’ng makapangyarihan pa ang family niya, pero bakit wala siyang table manners?

 “Kung ayaw niyang gumamit ng napkin, meron naman siyang mga kamay para takpan ang pagtitinga niya, pero buong-ningning siyang nagtanggal ng tinga niya nang lantaran talaga!

 “Sino ngayon ang magsasabing basta galing sa buena familia, e, hindi sumasablay sa table manners? E, bakit ang actor-politician na ito, magaspang ang ugali sa harap ng hapag-kainan?” komento pa ng aming source patungkol sa aktor-pulitikong may katunog na cartoon character ang pangalan.

Nanay ni Sarah walang karapatang manumbat

Sa TV5 na mapapanood ang It Takes Gutz To Be A Gutierrrez simula ngayong Hulyo. Mas marami nang makatututok ngayon sa kanilang show dahil hindi naman lahat ng bahay sa Pilipinas ay masuwerteng may cable.

Talakayin kaya sa programa ng pamilya Gutierrez ang pinagpipistahan pa ring isyu ng mga sama ng loob sa kanila ng ina ni Sarah Lahbati? Hanggang ngayon kasi’y kung ano-anong komento pa rin ang pinagsasasabi ni Aling Esther na ikinapupundi, siyempre pa, ni Tita Annabelle Rama.

Napakasuwerte pa rin ng ina ni Sarah dahil kahit paano’y nirerespeto pa rin ng pamilya Gutierrez ang pagiging lola nito kay Baby Zion. Kunsiderasyon na lang para kina Richard at Sarah ang pina-iiral ngayon ni Tita Annabelle, dahil kung hindi, baka matagal nang nag-alsa-balutan si Aling Esther pabalik ng Switzerland.

Huwag na sanang ipamukha pa ng ina ni Sarah na nu’ng sanggol pa lang si Baby Zion ay para silang mga TNT, tago raw sila nang tago at silang maglola lang naman ang magkasama, pero ngayon ay parang nawawalan na ito ng partisipasyon sa bata.

Hindi nito dapat isumbat ang ganu’n dahil bahagi ito ng isang pinlanong senaryo para hindi malantad sa publiko na may anak na sina Richard at Sarah. Isang taon nilang itinago sa publiko ang katotohanan.

At kapag pumayag ka sa isang plano, ibig sabihi’y ginusto mo ‘yun, kaya wala kang karapatang isumbat sa ibang tao ang pinayagan mong mangyari.

 

ALING ESTHER

BABY ZION

ISANG

IT TAKES GUTZ TO BE A GUTIERRREZ

LANG

NANG

NGAYON

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with