Habang patuloy silang nagkikita at nakikita ng tao, hindi talaga maiiwasan na pag-isipan na may namumuo nang ugnayan kina Kris Aquino at Derek Ramsay. Kung sabagay isang magandang behikulo ang “gimik” na pagsasama ng dalawa para bigyan ng palaisipan ang tao kasabay ng walang patid na pagdi-deny nila. Bukod sa nakatutulong ito para pag-usapan ang dalawa, isang magandang senyales din ito na may maasahang ugnayan ang mga kibitzers sa mga pagkikita nila.
Gov. Vi tama ang desisyong ‘wag MAGING sawsawera
Tama lang na huwag nang mag-comment si Gov. Vilma Santos sa isyu ng National Artist na ayaw ipagkaloob ng Malacañang kay Nora Aunor. Baka sabihing nakikisawsaw siya sa isyu. Malagay pa sa alanganin ang interes ng marami na mahirang din siyang National Artist in the future.
Hayaan na lang niya si P-Noy sa diskriminasyon nito sa mga taga-showbiz at harinawang hindi rin siya maapektuhan nito in the future.
Mommy Divine at Daddy Delfin wala pa ring tiwala kay Sarah?
Hindi na nakapagtataka kung ganyang may relasyon na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ay may mga pagkakataon na kailangan niya itong ipaglaban sa kanyang mga parents.
Kaso nasa tamang edad na si Sarah at alam na niya ang tama sa mali. Ito lang naman ang kailangan niyang ipaintindi sa kanyang mga magulang. Kapag nakuha niya ang pagtitiwala nila ay wala na siyang magiging problema pa. Pero habang nag-a-adjust pa ang mga ito sa relasyon nila, kailangang pareho sila ni Matteo na parang nakatungtong pa sa numero.