Marian Rivera '2014 sexiest woman' ng 'Pinas

MANILA, Philippines -- Napanatili ni Kapuso primetime queen Marian Rivera ang titulong "Sexiest Woman in the Philippines" ng isang men's magazine.

Inanunsyo ng FHM Philippines sa kanilang Instagram account na back-to-back ang pagiging sexiest woman ni Marian matapos makakuha ng 1,529,974 na boto.

Unang nasungkit ni Marian ang titulo noong 2008 bago inangking muli nitong nakaraang taon.

Tanging si Marian pa lamang ang nananalo ng tatlong beses kung saan halos nadoble ang nakuha niyang boto noong 2013 na umabot lamang sa 890,490.

Sumunod naman si Sam Pinto na umani ng 1,482,072 na boto, habang nasa ikatlo hanggang panlimang puwesto sina Angel Locsin (1,042,226), Jennylyn Mercado (1,025,702), at Cristine Reyes (858,283).

Show comments