Mga doctor naman ang mga characters na bubuo sa bagong teleserye ng GMA na My Destiny, starring Tom Rodriguez and Carla Abellana plus, Rhian Ramos na medyo matagal na ring hindi namamalas sa teleserye at marami pang iba.
Si Bb. Joyce Bernal ang direktor .
Magandang pamalit ang My Destiny sa Niño na hindi nagawang gawin ni Ruru Madrid dahil sa isa siyang miyembro ng Iglesia ni Kristo at hindi nila siya pinayagan nang magpaalam siya dahil taliwas sa pinaniniwalaan nila ang tema na tinatalakay sa progÂrama.
Samantala, first time ni Gabriele Garcia na mapanood sa My Destiny. Isa itong napakagandang teener (15 y/o) na may isang taong kontrata sa GMA. Bagaman at 12 years old siya nang magsimulang mag-artista, first big project niya ito bilang isang Kapuso. Mga magulang niya ang nag-aasikaso sa kanya. Ang kanyang retiradong ama ang sumasama sa kanya habang abala sa kanyang tungkulin bilang isang flight attendant sa PAL ang kanyang mom na kapag walang flight ay inaasikaso ang kanyang schedule.
Both parents were with her sa presscon ng My Destiny. KumaÂkanta at tumutugtog ng gitara ang may katangkarang teener at may banda siya na tumutugon sa pangalang Untitled. Gumaganap siya bilang kapaÂtid ni Sid Lucero at girlfriend ni Ruru sa teleserye.
Si Ashley Ortega naman, dating Nordstrom ang gamit na apelyido, pero simula sa My Destiny ay Ortega na ang gagamitin niya. Hindi ang My Destiny ang first project niya sa GMA. Nakasama na siya sa Maghihintay Pa Rin, at Dormitoryo. Nanalo siya kamakailan sa isang nationwide search bilang Ms. Olive C at malaking tulong ang titulo niya sa promosyon niya bilang bagong Kapuso artist.
Isay at Cacai parang naglalaro lang kahit nagpi-perform
Ewan ko, pero parang very interesting sa akin ‘yung Rak of Aegis, isang musical play featuring the songs of Aegis. Nagpasampol sila sa Umagang Kay Ganda at gandang-ganda ako sa naging performance nila. At parang naglolokohan lang sila huh, hindi pa seryoso sa kanilang ginagawa, pero maganda na ‘yung performance nila. Paano pa kaya kung nasa ibabaw na sila ng stage ng Peta Theater where the play will be showing starting July 20 hanggang August 30? Dalawa ang performance nila, Thursdays and Sundays, 8 p.m. I saw Isay Alvarez, Cacai Bautista, at iba pang hindi pamilyar sa akin ang face, pero magagaling kumanta.
KC at Luis sasamahan na sina Coco at Kim
Sa ganda ba naman ng Ikaw LaÂmang ay mas lalo pa itong magÂÂniningning kapag pumasok na sa teleserye sina Luis ManzaÂno at KC Concepcion. Ang baka maÂkaapekto ay kung mawawala na ang karakrer ng gobernador na ama ni Coco Martin na si Tirso Cruz lll na ayaw nang gawin ang Book 2 dahil baka may napirmahan na itong ibang commitment. Integral ang character niya sa series. But then wala namang indispensable na character sa Ikaw Lamang, puwera na marahil kina Coco at Kim Chiu na pinananabikan ng manonood ang itatakbo pa ng kanilang mga characters.
Sa pagsisimula ng Sana Bukas pa ang KahaÂpon, napalaÂkas pa ang evening slot ng ABS-CBN with Pinoy Big Brother All In, giving it a much need push. Talagang sinusubaybayan ang programamg ito na mukhang pinabibigat na ng mga teen housemate. Yes, sapaw na sapaw na ng mga kabataan ang grupo ng mga celebrity at adult housemates. Patok ang giÂmik ng mga kabataan, ang love triangle nina Loisa Andalio, Joshua Garcia, at Jane Oneiza, ang pagiÂging naiÂve nina Maris Racal at Nichole Baranda. Buti pa si Elevator Girl, nagagawang umagaw ng pansin, pero sina Daniel Matsunaga, Fourth at Fifth Pagotan, at Vickie Rushton kailaÂngan ng gimik para hindi sila mapag-iwanan. Pero kung namamayani ang KapaÂmilÂya sa mga palabas sa gaÂbi, sa hapon, magandang buÂwena mano ang The Half Sisters (THS) at Dading ng Kapuso.
Kung dramang-drama ang THS, may pagka-comedy naman ang DaÂding, salamat sa mahusay na pagganap nina Gabby Eigenmann at Gardo Versoza. Sobrang aliw silang panoorin