Pagpansin ng mga nag-uumpukang taga-showbiz isang gabing walang patlang ang pag-ulan, bakit daw kaya Ingles nang Ingles ang isang pamosong male personality, Tagalog daw ang ibinabatong tanong sa kanya pero Ingles pa rin ang kanyang sagot?
Naalala ng isang nasa umpukan, “Hindi naman siya ipinanganak at lumaki sa ibang bansa, a? Dito lang siya tumira, nagkataon lang na nakapagtrabaho sa ibang bansa ang mommy niya at nagbakasyon siya du’n.â€
Dagdag naman ng isa pang nandu’n, “Tama. Hanggang sa inayos na rin ang mga dokumento nilang magkakapatid, US citizen na siya, pero dito pa rin siya nakatira at nagtatrabahoâ€.
Pero mas matalas ang retensiyon ng isang nasa umpukan, “Nakita siya sa isang bar du’n ng isang manager. Nagkuwentuhan sila. Tinanong siya kung gusto pa rin niyang mag-artista.
“Nag-artista na rin kasi siya nu’ng bagets pa siya, pero hindi siya sumikat, ni hindi nga siya natututukan ng mga camera nu’ng mga panahong ‘yun! Gusto raw niya, kaya nag-iwan ng calling card ang manager sa kanya.
“Two weeks lang ang lumipas, nakatanggap na ng tawag ang manager, babalik na raw siya sa showbiz. Nabigyan siya ng magandang opportunity ng network, sumikat siya, hanggang sa maging poste na ng istasyon si hunk actor,†pag-alala ng isang miron sa umpukan.
Nababahalang tanong ng isang nakatanghod lang sa kuwentuhan, “Beki ba ang manager na nag-iwan ng calling card sa kanya? So, sa anong bar sila nagkita sa Amerika?â€
Sagot ng nagkuwento, “Sa isang gay bar.â€
Ubos!
Mabibitin ka sa katatawa, Tropa Mo Ko Unli panalong-panalo!
Alam mo agad bilang magulang kapag may dating ang isang programa. Malalaman mo ‘yun sa mga bata. Sila ang madalas na barometro kapag may katuturan ang isang palabas.
Inaabangan ng mga bata ang Tropa Mo Ko Unli ng TV5. Kumakain sila nang maÂagang hapunan para makapanood sila nang tutok at walang tayuan sa harapan ng teleÂbisÂyon.
Kabisado nila pati ang jingle ng show, ang mga segments ng katatawanang palabas, kapag ang mga bata na ang umokupa ng telebisyon ay wala nang magagawa ang kahit sino sa pamilya.
Wala nga naman kasing nasasayang na segment sa comedy show ng TV5, siksik na siksik ang programa, kaabang-abang ang lahat ng kanilang sultada lalo na ang Paminta 101.
Hindi nakasasawa ang mga birada nina Ogie Alcasid, Wendel Ramos, Alwyn Uytingco, Edgar Allan Guzman, Gelli de Belen, Tuesday Vargas, EmÂpoy, Long Mejia, Vin Abrenica, Ritz Azul, Eula Caballero, Valeen Montenegro, Caloy Alde at marami pang ibang artista ng comedy show.
Ang Paminta 101 ay umiikot sa nagiging reaksiyon ng tunay na lalaki, beki at nagpapa-macho sa isang piling sitwasyon. Grabe ang acting nina Alwyn, Wendel, Edgar Allan at Vin Abrenica sa bahaging ‘yun ng Tropa Mo Ko Unli, hahagalpak ka talaga sa kanilang mga kalokahan.
Tapos na ang palabas ay parang bitin ka pa, humihingi ka pa ng kasunod, dahil nakaaaliw ang programa. Magagaling ang writers ng show, hindi nasasaid ang kanilang creative juices, bago nang bago at napapanahon talaga ang kanilang mga gags.
Pinaplakado nila ng mga nagaganap sa kapaligiran, ‘yung pag-spoof nila nu’n sa kontrobersiyang kinasangkutan ni Vhong Navarro ay hindi kalimut-limot, kinarir talaga nila ang mga eksena mula sa elevator hanggang sa katapusan ng senaryo.
At du’n mo naiisip na hindi nakakulong lang sa komedya ang mga artista ng TV5, kahit saan mo idaan ang laban ay panalo sila, kung gaano sila kagaling sa gag show ay lutang din ang kanilang kapasidad sa pagdadrama.
Panalo!