Kung paniniwalaan ang kuwento ng mga kaibigan ng mga waiters na nagseserbisyo sa isang kilalang restaurant ay puwede nating sabihin na may garter pala talaga ang pera sa bulsa ng isang beteranang aktres.
Sa mabilisang paghusga ay sobrang kuripot siya, walang butas ang kanyang mga palad, kaya pala ang tawag sa kanya ng mga waiters ay “Madame Curie†na ang ibig sabihi’y Aleng Kuripot.
Ayon sa aming mga impormante ay madalas kumain du’n ang beteranang aktres at ang kanyang mga kaibigan. Palaging nauuna sa lugar ang aktres dahil bago pa dumating ang kanyang mga kasama ay kinukuntsaba na niya ang mga ito.
Umoorder na agad siya ng mga pagkaing hindi kamahalan ang halaga, ilang putahe lang ang pinipili niya, ‘yun lang ang ihinahain kapag kumpleto na sila sa mesa.
May isa pang bilin ang beteranang aktres sa mga waiters, “Huwag n’yo silang tatanungin kung anong drinks ang gusto nila. Basta maglagay lang kayo ng water sa mesa, that’s it!â€
Ang pagiging kuripot ng veteran actress ay hindi pa du’n nagtatapos. Kahit ilang piraso na lang ng gulay ang natitira sa pinggan ay ipinababalot pa niya ‘yun, pati ang mga tira-tirang kanin, pinaghihirapan nga naman kasi niya ang ipinambabayad sa kinakain nila.
Palagi pa ring napapanood sa pelikula at telebisyon hanggang ngayon ang beteranang aktres, aktibo pa rin siya sa pag-arte, binabawi niya ang mahabang panahong nawala siya dahil sa isang bisyong salamat naman at nalampasan-naiwasan na niya.
Lola, gets n’yo na kung sino siya?
Damay na rin mga mamahaling gamit ng anak ni Jinggoy na si Jolo at Cong. Lani, pinagdidiskitahan
Kapag bugbog-sarado na ang puno, lamugin din pati ang mga mahal nila sa buhay, para pare-pareho silang masaktan. Parang ganu’n ang itinatakbo ngayon ng pagpipista ng mga kababayan nating walang magawa sa social media sa magagarbong kagamitan nina Jolo Ejercito at Congresswoman Lani Mercado.
Mga mamahaling sapatos at bag, pagtse-check-in sa mga five-star hotel, pagkain sa mga de-klaseng restaurant. Susmaryosep! Gawin bang napakalaking isyu ang pagkakaroon nila ng mga branded stuff?
Si Jolo Ejercito ay mula sa isang milyonaryong angkan. Hindi naman gutom sa mga mamahaling kagamitan ang binatilyong ito, dahil kayang-kaya talaga siyang ibili ng kanyang mga magulang, lolo at lola at mga tiyahin at tiyuhin.
Huwag nang saktan ang mga bata, kung gusto nilang bugbugin ang mga mas nakatatanda, ‘yun na lang ang kanilang batuhin nang batuhin. May private plane pang ibinibintang kay Jolo, samantalang kahit chopper nga lang ay wala naman ang mga Estrada, palabasin bang sawa ang nakitang bulate lang naman?
At si Congresswoman Lani, wala na bang karapatang magkaroon ng branded bag ang aktres-pulitiko, samantalang kumikita naman siya sa pag-aartista? Nu’ng pumasok na lang ba sa mundo ng pulitika nagkaroon ng mamahaling bag ang kongresista?
Walang halong eksaherasyon, pero napakaraming taga-showbiz na nagmamay-ari ng mga branded na kagamitan, sabihin mo ang tatak at meron sila nu’n.
Porke ba nasasangkot sa PDAF ang mga mahal nila sa buhay ay huhusgahan na agad silang nagpapasasa sa pera ng bayan? Wala ba silang sariling pambili ng anumang magustuhan nila basta kaya ng kanilang bulsa at kapasidad?
Akusado pa lang sina Senador Bong Revilla at Senador Jinggoy Estrada. Umuusad pa lang ang imbestigasyon tungkol sa bintang na ibinabato-ipinaaako sa kanila.
Hindi pa sila napatutunayang nagkasala, inosente pa sila hanggang hindi nahuhusgahang may dapat panagutan sa batas, kaya maghinay-hinay d’yan ang mga taong kung makapagbintang ay parang wala nang bukas pa.