Aktor na super yaman, natitiis pasakayin sa taxi ang kapamilya

MANILA, Philippines - Grabe totoo pala ‘yung kuwento na mas mabait ang isang actor sa ibang tao kesa sa kanyang kapamilya.

Na-witness ng source na nagta-taxi ang isang kamag-anak ng actor na ge­nerous sa ibang tao. Samantalang afford na afford naman daw sanang bigyan ng magarang sasakyan with matching driver pa kung gugustuhin ng actor ang kanyang kapamilya.

“Sa ibang tao ang bait-bait niya. Panay ang pamimigay niya ng datung pero sa kamag-anak niya parang hindi siya mabait. Imagine natitiis niyang mag-taxi ang kapamilya,” comment ng witness sa eksenang nagta-taxi ang kapamilya ng actor.

Ang tanong ng witness, ano nga kaya raw ang galit ng actor sa kapamilya at natitiis niya ‘yun sa ganung sitwasyon samantalang base sa kanyang mga sinasabi, may ‘balon’ siya ng datung.

Reality show ng pamilya gutierrezeere na rin sa TV5

Ipalalabas na rin pala sa TV5 ang It Takes Gutz to be a Gutierrez na originally ay sa E! Philippines lang napapanood.

Mismong si Ruffa Gutierrez ang nagbalitang eere na sila sa free channel. “Catch us on July 5, Saturday, 8:00 p.m. on TV5. Sooo excited to broaden our reach,” sabi ni Ruffing sa kanyang Instagram account. Ipalalabas ang six episodes ng kanilang reality show.

Marami rin kasi ang hindi nakakapanood sa palabas since hindi lahat ng bahay ay may cable. At least ngayon nasa TV5 na sila.

In fairness, ang daming commercial ng reality show ng pamilya Gutierrez at pinag-uusapan talaga.

Julia positive kahit maraming pinagdaraanan

Isang magandang karanasang hinding-hindi malilimutan ang turing nina Julia Barretto at Enrique Gil sa kanilang consistent top-rating primetime fanta­serye sa ABS-CBN na Mirabella na may ihahandang espesyal na finale episode na pinamagatang The Beautiful Ending na mapapanood sa Hulyo 4 (Biyernes).

“Ang Mirabella po ang pinakamalaki at pinakamagandang blessing na natanggap ko ngayong taon,” pahayag ni Julia na aminadong napalapit sa kanyang mga ka­rakter sa serye na sina Mira at ang ikalawang katauhan nito na si Bella.

“Bukod kay Enrique at sa buong cast namin, mami-miss ko po talaga sina Mira at Bella. Dahil po sa mga pinagdaanan nila sa istorya, natutunan ko na ma­ging matatag at positibo sa kabila ng mga pagsubok na dumadating sa buhay ko,” ani Julia na walang particular na binanggit kung anong pagsubok ‘yun.

Para naman kay Enrique, isa sa pinakamagandang nangyari sa kanilang teleserye ay ang pagkakabuo ng pagkakaibigan nila ng kanyang leading lady.

“Hindi ko in-expect na magiging ganito kami ka-close ni Julia dahil sa show ay nakilala ko siyang mabuti. Sana makatrabaho ko siya ulit dahil mahusay siyang aktres,” sabi ni Enrique na gumaganap sa Mirabella bilang si Jeremy.

So possible ba na maging sila?

“Yes, of course, I mean, para maging close kayo sa isa’t isa, in the first place, kailangan na magustuhan mo siya. Siyempre, kung gusto mo siya, your likeability is really high kaya mas madali kami mag-jive.

“Tapos, she’s really open to me, that’s what I like, eh ‘yung open, who’s not afraid to say kung ano ang nararamdaman niya, I mean kung maloko ako, lolokohin din niya ako, something like that. Give and take.

“And that’s what she is, eh. And she’s very true to herself and ‘yun ang gusto ko. Kaya siguro, nag-jive kami,” mahabang pahayag ni Enrique though sinasabi niyang masyado pang bata ang young actress.

At nang ibaling kay Julia kung anong masasabi niya sa sagot ng actor, puwedeng-puwede raw na maging first boyfriend niya si Enrique.

                                                                              

Show comments