MANILA, Philippines – Humihingi ng paliwanag ang action star na si Robin Padilla sa pagkakatanggal ni Superstar Nora Aunor sa listahan ng National Artist awardess.
“Kapag sinabi na hindi siya nararapat para sa posisyon na yun, kailangan may eksplenasyon. Yun naman ang matagal ko nang tinanong: ano ang dahilan kung bakit siya tinaggal? Kasi hindi pwedeng no comment. Hindi pwede,†wika ng 44-anyos na aktor sa isang panayam sa telebisyon.
Lumabas ang ulat na kaya tinggal ng Malacañang si Nora sa listahan ay dahil sa naging kinahinatnan niya sa Amerika nang makulong dahil sa paggamit ng droga.
Pero sinabi ni Robin na hindi dapat ito maging basehan sa pagiging national artist ng isang beteranang aktres.
“Hindi naman canonization ito. Hindi natin siya gusto gawing santo. Hindi siya national saint,†sabi ni Robin na kilala rin sa tawag na “Binoe.â€
Anim ang idineklara ng Palasyo bilang bagong mga national artist kabilang dito sina: Alice Reyes para sa sayaw, Francisco Coching (posthumous) para sa visual arts, Cirilo Bautista sa literatura, Francisco Feliciano at Ramon Santos sa musika at Jose Maria Zaragoza sa arkitektura, design at allied arts.
Nauna nang kinuwestiyon ni National Commission for Culture and the Arts chairman Felipe de Leon Jr. kung bakit tinaggal si Aunor sa listahan.
“I cannot understand, Malacañang has not yet given an explanation. This is a big loss to the film industry because it lost an opportunity to have another artistic role model.â€