MANILA, Philippines - Bibigyan ng DZMM ng kapaki-pakinabang na mga kaalaman, tips, at training ang mga tagapakinig at manonood upang maging handa sa panahon ng aksidente at trahedya sa pamamagitan ng Red Alert Emergency Expo 2014 na gaganapin ngayong Sabado (Hunyo 28), 8:30 AM sa Amana Waterpark sa Bulacan.
Pangungunahan ang nasabing event ng Red Alert anchors na sina Atom Araullo, Project NOAH exeÂcutive director na si Dr. Mahar Lagmay, at ang dating medical services physician ng Philippine Mt. Everest Expedition Team na si Dr. Ted Esguerra. Dadalo rito ang text promo winners ng programa, habang magsisilbi namang araw ng pagtatapos ang nasabing expo para sa Alert U promo winners ng programang Red Alert ng DZMM. Maaaring lumahok dito ang walk-in participants sa halagang P200.
Upang mas maging handa sa oras ng peligro, tuturuan sila ng lidar mapping ng Project NOAH executive director na si Dr. Mahar, self-defense training ng International Krav Maga Federation Philippines, earthquake drill ni Dr. Ted, emergency first response training, water and flood safety and rescue training, pati na fire safety and fire drill training ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council at Bureau of Fire Protection.
Tutukan ang Red Alert†tuwing Linggo, 10 AM sa DZMM Radyo Patrol Sais Trenta, DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), o sa online livestreaming sa dzmm.com.ph at ang Red Alert tuwing Biyernes, 4 PM, sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.