Napag-alaman namin na lumipat na rin sa Village East Executive Homes sa Cainta, Rizal si Isabel Oli. Same village ito kung saan din nakatira ang pamilya ng boyfriend niyang si John Prats. I’m sure may influence si John sa paglipat ni Isabel.
MMFF balak i-tie up sa Guam International Film Festival
Ngayong naihayag na ni MMDA Chairman Francis Tolentino ang walong official entries sa ika-40th year ng Metro Manila Film Festival (MMFF), apat sa walong entries ang maglalaban-laban sa Top 4 position ng taunang film fest. Ang mga ito ay ang My Big Bossing’s Adventure nina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon, Praybeyt Benjamin 2 nina Vice Ganda, Richard Yap, at Bimby Aquino Yap, Feng Shui 2 nina Kris Aquino at Coco Martin at ang Shake, Rattle & Roll 15 nina Dennis Trillo at Carla Abellana.
Malaki ang advantage ng magkahiwalay na entry nina Kris Aquino at Vice Ganda dahil ito’y produced ng Star Cinema with Kris as co-producer sa Feng Shui 2 at co-produced naman ng Star Cinema at Viva Films ang Praybet Benjamin 2 ni Vice Ganda. Ibang klase kasi mag-promote ang Star Cinema dahil meron silang sariling TV and radio network.
Ang pelikula naman ni Vic ay bugbog ng exposure sa Eat Bulaga at sitcom niyang Vampire ang Daddy Ko na parehong napapanood sa GMA. Co-producer naman ng Reality Entertainment ni Dondon Monteverde at Agostos Pictures, Inc. ni Dingdong Dantes ang Kubot: The Aswang Chronicles kaya tiyak na bugbog ang pelikula ng exposure sa mga programa ng GMA. Malamang na suportahan din ng ABS-CBN ang romance-comedy movie na English Only Please ng Quantum Films at Heaven’s Best Entertainment na tinatampukan ng ABS-CBN stars na sina Derek Ramsay at Angeline Quinto.
Historical action ang tema ng entry ni Robin Padilla, ang Bonifacio, Gusto Mo Ba Siya Makilala? ng Philippians Productions & Events, Inc. Action movie muli ang entry this year ni E.R. Ejercito, ang Magnum Muslim .357.
Horror naman ang tema ng Feng Shui 2 nina Kris Aquino at Coco Martin na pamamahalaan ni Chito Roño. Horror din ang ika-15 serye ng Shake, Rattle & Roll 15 nina Dennis Trillo at Carla Abellana.
Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, may dalawa pa silang pelikulang naka-standby just in case isa o dalawa sa mga napiling walong entries ang hindi makahabol sa deadline, ito ay ang Kid Kulafu ni Direk Paul Soriano at Kung Hanap Mo Ay Ligaya Sa Buhay ni Direk Elwood Perez.
Wino-work out na rin umano ang tie-up ng MMFF at ng Guam International Film Festival.
Bukod sa walong official entries, may hiwalay ding category ang MMFF for indie films.