Jennylyn gustong mag-attend sa kasal ni Patrick, bitbit ang anak

PIK: Ipinakilala sa press ang mga magagaling na kontrabida ng Kapuso network na kinabibilangan nina Chynna Ortaleza, LJ Reyes, Rich Asuncion, Vaness del Moral, J­oanna Marie Tan, Charee Pineda at Thea Tolentino.

Isa sa naaliw kami sa tsikahan ay si Vaness na hindi niya itinatangging hindi lang siya kontrabida sa mga drama series ng GMA 7 kundi nag-body double rin siya.

Hindi niya ito ikinahihiya at proud pa siyang kinuwento sa aming siya ang gumanap na kakambal ni Heart Evangelista sa Luna Mystica na isang anino.

Hindi nakikita ang mukha niya kundi ang silhoutte lamang niya pero uma-acting nang bonggang-bongga. Hindi raw niya iniisip ang talent fee na kikita siya, kundi passion daw niya talaga ang umarte kahit double lamang siya.

 Bukod sa Luna Mystica, nag-double na rin pala si Vaness kay Marian Rivera sa Dyesebel, kay Regine Velasquez sa Diva at naulit pa siya kay Heart sa Ngayon at Kailanman.

“Hindi ko iniisip na bumaba ang pagiging artista ko dahil tumatanggap akong mag-double. Passion ko ito eh. Kaya sa akin binigay ang pag-double, dahil ipinagkatiwala nila sa akin. Kasi kung para mag-double lang, eh ‘di sana kumuha na lang sila ng talent,” deretsong pahayag ni Vaness.

PAK: Punung-puno ng confidence si Jennylyn Mercado nang humarap sa press kahapon sa presscon ng Belo Medical Group kasama ang mag-inang Dra. Vicki Belo at Cristalle Henares.

Pero super-iwas si Jennylyn na sagutin ang isyu nina Luis Manzano at Angel Locsin.           

Pagdating kay Patrick Garcia na binabalak nang pakasalan ang kanyang non-showbiz girlfriend, open si Jennylyn na sagutin ito.

Tinanong ang Kapuso actress kung dadalo ba siya sa kasal ni Patrick kung sakaling imbitahin siya. “Oo naman,” mabilis na sagot ni Jennylyn.

 â€œKung papadalhan ako ng imbitasyon, pupunta ako siguro kasama si Jazz,” sagot nito.

Kung kukuning ring bearer si Alex Jazz, ibibigay daw niya para maging bahagi naman daw ito sa espesyal na raw ng kanyang ama. Gusto na lang daw niya maging positibo na lang lahat, at wala na siyang kinikimkim na sama ng loob.

BOOM: Nilinaw ng kampo ni Sen. Bong Revilla na hindi nagrereklamo ang huli sa mga nakikita niyang mga ipis at daga sa kanyang detention cell sa Camp Crame.

Nakuwento lang naman daw na may nakikita siyang mga ipis at daga pero hindi naman daw nagrereklamo.

Ayon sa kuwento ng ilang mga kaibigang nakadalaw kay Sen. Bong, nakitaan daw nila ng katahimikan ng isip ang senador.

‘Yung ibang naghatid nga raw kay Sen. Jinggoy Estrada sa Camp Crame ay nakita raw nila si Sen. Bong na maayos ang mukha at parang nakapag-adjust na raw ito sa kinalalagyan niya ngayon.

Sabi nga ni Lani, napaghandaan daw ito nang husto ni Sen. Bong emotionally, physically at higit sa lahat spiritually. Kaya wala raw siyang reklamo sa kinalalagyan niya ngayon.

Umiiwas na lang sina Lani magpa-interview para hindi na lang daw sila mabutasan at mahanapan pa ng diperensya.

Aware raw silang hinahanapan sila ng diperensya kaya talagang sumusunod daw sila sa patakaran gaya nang pagdalaw ng Huwebes at Linggo na ibinibigay sa kanila.

Show comments