Nora tikom pa ang bibig sa panlalaglag ng Malacañang

Seen : Under negotiation pa ang final terms at conditions ng pagbebenta ng GMA Network Inc. ng minority stake kay Mr. Ramon Ang ng San Miguel Corporation.

Scene : Nakatakda sa June 30 ang arraignment ni Senator Jinggoy Estrada para sa kanyang plunder case.

Seen : Takip-silim na nang umalis ang pamilya ni Senator Jinggoy Estrada sa unang araw ng pagkakakulong niya sa PNP custodial center ng Camp Crame noong Lunes.

Scene : Ang kagustuhan ni Senator JV Ejercito na madalaw sa kulu­ngan ang kapatid na matagal nang kaalitan. 

Hindi kasama si JV nang ihatid sa Camp Crame ng Estrada family si Senator Jinggoy Estrada.

Seen : Ang surprise asalto kay Ruffa Gutierrez ng kanyang mga kaibigan sa spa ng isang 5-star hotel noong Lunes.

Kahapon ang 40th birthday ni Ruffa.

Scene : Naka-private na ang Instagram account ni Esther Lahbati, ang ina ni Sarah, upang hindi na siya maging biktima ng kanyang bashers. 

Dapat banggitin ang pangalan ni Sarah sa tuwing nasusulat ang mga isyu na sinisimulan ng kanyang ina dahil hindi ito kilala ng mga tao.

Seen : Ang live guesting kahapon ni Robin Padilla sa Umagang Kay Ganda dahil ipinagtanggol niya si Nora Aunor na initsapwera ng Malacañang Palace bilang National Artist.

Scene : Hinihintay ang pagsasalita ni Nora Aunor tungkol sa karangalan na ipinagkait sa kanya ng Malacañang Palace.

Show comments