MANILA, Philippines - Matapos aminin ni Sarah Geronimo, si Matteo Guidicelli naman ang nagsalita sa kanilang relasyon.
“I’m very proud of her, that she’s standing up for herself. You know, she’s 25 years old and she’s starting to enjoy life more. I want to show her what life is! I just want her to be happy!†sabi niya sa lumabas na interview sa ABS-CBN.com
Umamin din siya na matagal na niyang gusto si Sarah.
“I liked her since... You know, Sarah’s been my crush since five years ago. She’s just an amazing person. She’s just amazing. Words can’t explain how amazing she is. She’s very good, she’s nice,†sabi pa ng actor na kitang-kita naman sa mga TV interview kung gaano siya ka-proud sa pop superstar.
Annabelle Rama nabuwisit na sa nanay ni sarah, wala naman daw ambag sa binyagan
“Hindi siya guest. Siya ay part of the family. Lola siya ni Zion, nanay siya ni Sarah (Lahbati, Zion’s mom). Dapat matuto siya na maki-party, makipag-socialize, mag-ikot ka rin sa mga lamesa na ‘Ako ang mother ni Sarah.’ Dapat ganoon kasi family siya eh,†sagot ni Annabelle Rama (na lumabas sa Yahoo Philippines) sa patuloy na pagpapatutsada ni Esther Lahbati sa kanya nang umano’y maisnab-isnab ito sa sa birthday/binyagan ng apo.
“Day, wala akong ipagso-sorry sa iyo. Day, wala akong kasalanan. Minahal ko ang anak mo, minahal ko ang apo mo. Inalagaan ko silang dalawa. Anong sorry ang gusto mo sa akin? Wala. Kaya huwag ka nang maghintay ng sorry. Wala kang maririnig sa bunganga ko. Magso-sorry ako na wala akong ginagawa? Ikaw ang tumahimik na. Nakatikim ka na ng publicity di ba? Tama na iyan. This time ginagamit mo ang apo mong si Zion. Alam mo na sikat na sikat ang apo mo, gusto mong makisawsaw. Sorry ka na lang, hindi ako magsosorry sa iyo.
“Siguro nga uhaw sa publicity. Bayaan mo na. Nakatikim na siya ng headline, ng front page, ng tabloids. Pero dapat hindi niya ginagamit ang apo niya kasi araw ni Zion iyon eh. Hindi siya dapat nakikisawsaw sa gulo kasi ang araw na iyon ay araw ng apo niya,†patuloy ni Tita Annabelle.
“Tigilan mo na ang kaarte-arte mo Esther. Ako ay naiinis na sa iyo, huwag mo akong hamunin. Tumigil ka na, tama na iyan. Sobra ka na. Wala naman kaming kasalanan sa pamilya namin, tinitira mo kami? Masyado ka maarte ‘day, hindi mo na-aappreciate, wala ka ngang donation sa party ni Zion. Dapat mag-enjoy ka na sa buhay mo. Tama na yang kaartehan mo,†mahabang pahayag ng nanay ni Richard Gutierrez na obviously ay hindi na nakapagtimpi sa ginawagawang pasaring nito sa pamilya ni ni Aling Esther.