Be Careful, magpa-fast forward!

MANILA, Philippines - Bibilis ang takbo ng mga kaganapan sa Be Careful With My Heart ng ABS-CBN ngayong linggo.

Dahil sa Miyerkules (Hunyo 25), magpa-fast forward ng dalawang taon ang kwento, kung kailan 2 years old na ang Baby Kambal nina Maya (Jodi Sta. Maria) at Ser Chief (Richard Yap).

Anu-anong malalaking pagbabago ang mangyayari sa buhay ng pamilya Lim ngayong singkulit na ni Maya sina Sky at Sunshine?

Huwag palampasin ang big change sa no. 1 feel-good habit ng bayan at Best TV Drama Program ng 22nd KBP Golden Dove Awards, Be Careful With My Heart, araw-araw, bago mag-It’s Showtime sa Primetanghali ng ABS-CBN.

 

Show comments