Mga paboritong TV characters sumali uli sa Toycon 2014

MANILA, Philippines - Sa Philippine TOYCON taun-taon, nakita ang iba’t ibang mga karakter ga-ling sa iba’t ibang bansa. 

Ngayong 2014 sa pinakamalaking pop culture event ng taon, naging bahagi ang mga programang Pinoy sa pamamagitan ng mga paboritong karakter na  pa­ng telebisyon sa ABS-CBN booth.

Sa 13th Philippine TOYCON, nakita at nabili ang mga paboritong character merchandise ng iba’t ibang programang Pinoy, kasama na rito ang Nautilus shell ni Dyesebel.

Ang ABS-CBN ay media partner sa Toys, Hobbies, and Collectibles Convention ngayong taon na naganap nu’ng Hunyo 20 hanggang 22 sa Mega­trade Hall ng SM Megamall.

Ang Philippine Toys, Hobbies, and Collectibles Convention o TOYCON ay ang pinakamalaking convention para sa collectibles, toys, anime, co­mics, cosplay, at gaming sa buong Asya.

Nagsimula ito noong 2002 at ngayon ay nasa ika-13 taon na ang TOYCON na dinaluhan ng lahat ng mga fan at aficionado.

 

Show comments