Wala naman sigurong kokontra sa sinabi kong naÂpakatapang ng tambalan nina Derek RamÂsay at Angeline QuinÂto, ganundin ang film production nilang QuanÂtum Films sa gaÂgaÂwin nilang pagÂtapat sa pito pang maÂlalakas na entry sa gagaÂnaping Metro Manila Film Festival (MMFF) 2014. Hindi biro-biro at isang matatawag na suntok sa buwan ang gagawin nilang pagsabak sa pito pang movie entry na lalahok sa MMFF na nagtatampok sa mga pangalan nina Kris Aquino/Coco Martin sa Feng Shui 2. Vic Sotto/Ryzza Mae Dizon sa My Big Bossing’s Adventure, Dingdong Dantes ng Kubot: The Aswang Chronicles, Tom Rodriguez ng Shake Rattle & Roll XV, Robin Padilla sa Bonifacio, Vice Ganda sa Praybeyt Benjamin 2 at ER Ejercito, sa Magnum Muslim .357.
Pawang mga beterano nang pangalan sa MMFF ang mga tao sa likod ng pitong pelikula na sasabak sa Pista ng Pelikula na ginaganap tuwing Kapaskuhan. Kilala na rin naman ang Quantum Films sa pagÂbiibigay ng mga de calibre at award winning na mga pelikula, pero, first time na pagtatambalin nila sina Derek at Angeline kaya may duda kung mayÂroong chemistry na mamamalas ang dalawa sa manonood. Obviously, may pagka-komedi ang entry nilang English Only Please na panado man ang magaling na singer ay may agam-agam ang marami kung makapagde-deliver ng mahusay ang magaling na drama actor. Pero ang project nila ay isa sa nagbibigay ng excitement sa MMFF na hindi maaaring hinÂdi suportahan ng manonood dahil parang hindi laÂmang ito kalaban ng mga pelikula kundi maging ng mga artista na nakataya ang pride sa kanilang gaÂgawing pagsali.
Kahit nasaan man Dolphy nagbubunyi kay Ronnie
Sayang at wala na si Dolphy, hindi na siya maÂkaÂÂka-share sa kasiyahan ng anak niyang si Ronnie Quizon na nakuha ang El Ray Award for Excellence in Acting sa 2014 Barcelona International Film Festival para sa pelikulang Rekorder. Nanalo rin ang pelikula ng Best Music Award. First lead role ito ng aktor at first international award niya, kaya napaÂkalaking biyaya ito sa kanyang napakahaba nang career bilang artista. Siya ang gumaganap sa role ng isang movie cameraman na naging movie pirate at nakakakuha ng footage ng isang krimen na naging viral. Unang sumabak sa New Breed Section ng Cinemalaya Film Festival ang movie na dinirek ni Mikhail Red. Nanalo na rin ito ng Special Jury Award sa Annonay Internatioal Film Festival sa France.
Nora napagkaisahan?!
Kay P-Noy ibinubunton ng lahat ang hindi pagkakahirang kay Nora Aunor bilang National Artist. May katuwiran naman ang lahat na manimdim dahil matagal nang iniendorso hindi lamang ng NCCA (National Commission for Culture and Arts) at CCP (Cultural Center of the Philippines) at sinususugan din ng maÂraming kasamahan ng Superstar sa industriya, pero ang hindi malaman ay kung bakit parang napagkakaisahan ang aktres.
Hindi bale kung may mahigpit siyang kalaban. O kung may kampo man na magagalit kung mauna siya sa mga kapwa niya artistang nominado. Kaso, wala naman, so ano kaya ang dahilan?
Achiever naman si Nora, maraming karangalan na ibinigay sa industriya at maging sa bansa. Nakakainsulto lang talaga.
Sen. Bong inaatake pa rin ng sakit
Hindi naman siguro dapat na magkaroon ng daga at ipis ang mga selda na ipinagagamit sa mga bilanggo lalo na kay Bong Revilla na isang senador ng bansa at hindi pa napatutunayang guilty. Okay nang huwag siyang bigyan ng aircon para lang hindi masabing pinapaboran siya, pero ang isang electric fan is a must sa mga may migraine. Alam ko dahil meron ako nito. At wala nang mas bibisa pang gamot kaysa sa malamig na simoy ng isang electric fan at bolsa de yelo. Mga tatlong araw bago mawala ang isang atake ng migraine at kapag nawala ito ay para namang dinaanan ng lindol o buhawi ang isang may ganitong karamdaman.
Katungkulan ng mga namamahala ng ating mga bilangguan na panatilihing malinis at ligtas sa mga daga, ipis, lamok, langaw at iba pang insekto ang ating mga bilanggo.