Robin tinawag na bulok ang gobyerno

Seen: Pinagtatawanan ang nanay ni  Sarah Lahbati na si Esther dahil sa pakiusap nito sa publiko na huwag nang palakihin ang problema ng kanyang pamilya na siya naman ang nagsimula. Hindi dapat sineseryoso ang mga drama ni Aling Esther.

Scene : Sina Michelle Gumabao at Jayme Jalandoni ang evicted sa PBB housemates noong Linggo.

Masaya na lumabas ng PBB house sina Michelle at Jayme dahil miss na miss na nila ang kanilang mga pamilya.

Seen : Dahil sa pangamba na kahapon siya ipapaaresto ng Sandiganbayan na nagkatotoo nga, ipinagdiwang nina Senator Jinggoy Estrada at Precy Ejercito ang kanilang silver wedding anniversary noong Linggo.

Sa June 28 ang actual date ng wedding anniversary ng mag-asawa.

Scene : “It might be stormy now but the sun will shine again” ang nakatatak sa t-shirt na suot ng mga supporter ni Senator Jinggoy Estrada na nagtipon-tipon kahapon sa harap ng kanilang tahanan.

Seen : Sisimulan sa last week ng July ang shooting ng Feng Shui 2, ang pelikula nina Kris Aquino at Coco Martin para sa Metro Manila Film Festival 2014.

Scene : Malapit nang umpisahan ang taping ng Book 2 ng Ikaw Lamang ng ABS-CBN. Kasali sa Book 2 si KC Concepcion.

Seen : Blessing para kay Senator Bong Revilla, Jr. ang malakas na buhos ng ulan dahil nakakatulong ito upang mabawasan ang maalinsangan na pakiramdam sa loob ng kanyang selda sa custodial center ng Camp Crame.

Scene : Ang panawagan ni Robin Padilla kay President Noynoy Aquino dahil sa hindi nito pagdeklara kay Nora Aunor bilang National Artist:

 â€œMahal na Pangulong Aquino, mga mahal kong kababayan, mga kapanalig sa pag ibig sa Inangbayan at kapatid sa Katipunan. May mga bagay na nagaganap sa ating kapaligiran lalo sa ating mga harapan na hindi dapat pinalalagpas o pinipikitan ng mulat nating mga mata.

“Ang lantarang pang aapi ng mga ilitista at makapangyarihang uri sa isang Nora Aunor ay malinaw na pagpapakita sa ating mga mukha kung anong puso at isipan ang naghahari sa bulok na sistema ng gobyerno.

“Malinaw sa mga hurado at komisyon ang simbolo at larawan ng nag iisang superstar sa ating sining at kultura, lalo na sa ating pagka-Pilipino, hindi dapat natin tanggapin ang NO COMMENT na pahayag ng mga Ginagalang sa palasyo sapagkat ang katagang ito ay para lamang sa mga nasa pribadong organisasyon o opisina,THE FILIPINO people deserves to know the reason why NORA AUNOR was rejected and indirectly but precisely insulted.”

Show comments