Matagal-tagal na ring magkasintahan sina Gerald Anderson at Maja Salvador. Mas gusto raw talaga ng aktor na maging pribado ang kanilang relasyon ng dalaga. “Mas gusto ko ‘yung ganito. Ayaw ko nga na pinag-uusapan kasi there is nothing to talk about. Personal life ko ‘yun, so as much as possible I want to keep it personal,†bungad ni Gerald. Nahihirapan na magkita at magkasama ngayon sina Gerald at Maja dahil na rin sa kanya-kanyang trabaho.
“’Yun lang, medyo mahirap lang talaga dahil sa trabaho namin, but gano’n eh. Wala talaga, blessings ‘yun eh, blessings. Pareho kaming nagpapasalamat. Siyempre kung libre lang, siyempre gagawa ng effort. Kung libre lang pero ang priority talaga is work, trabaho talaga,†giit ng binata.
Mahigit isang taon nang magkasintahan sina Gerald at Maja pero para sa aktor ay talagang kakaiba ang kanilang relasyon. “Unique siya. Ayaw ko rin masyadong magdetalye pero very unique. Kasi hindi biro ‘yung pinagdaanan namin, and parang na-survive namin ‘yun. We are both very strong people at sana tuluy-tuloy na rin ‘yun,†pagtatapos ng aktor.
Cheska at Dough walang paborito sa mga anak
Sikat na sikat ang mga anak nina Cheska Garcia at Dough Kramer na sina Kendra, Scarlett, at Gavin dahil sa mga post ng mag-asawa sa iba’t ibang social networking sites. Mas kilala na bilang ‘Team Kramer’ ang kanilang pamilya dahil sa kaaliw-aliw na ipinakikitang kabibuhan ng mga bata. Hindi raw pina-iiral nina Cheska at Dough sa kanilang bahay ang pagkakaroon ng paborito sa kanilang tatlong anak.
“No, in our house walang pwedeng magsabi ng favorite si ganito, favorite si ganyan, bawal ‘yun. We do not allow that. Lahat sila they are adorable so bawal sa family namin,†bungad ni Cheska.
“In their own ways they are special like Kendra, she is so special because she is our first baby. Scarlett is also special because she’s our bunso girl. Gavin is so special because he is our only boy and our bunso. So we make it seem that way. Hindi ‘yung one has lamang over the other,†paliwanag ng aktres.
Para naman kay Dough ay pinararamdam daw nila palagi sa mga anak na espesyal ang mga ito sa kanila.
“We really practice not to have any favoritism. Kendra as a kid she always asks, ‘Papa who’s your favorite?’ we always answer, ‘No Kendra, we don’t have any favorite. All of you are special to us,†pagbabahagi ni Dough. Reports from JAMES C. CANTOS