MANILA, Philippines - Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang pelikulang Kamkam (Greed) na showing na sa mga sinehan simula July 9. Pinuri ng CEB ang mahusay na pagganap ng mga artista, ang matalinong direksyon, makabuluhang iskrip at kapuri-puring teknikal na aspeto nito.
Bukod dito, nakatanggap na rin ang Heaven’s Best Entertainment, proyuser ng Kamkam, ng kumpirmasyon na magkakaroon ng international premiere ang ipalalabas pa lang na pelikula sa isang prestihiyosong A-list film festival abroad, bagama’t hindi pa maaaring banggitin kung saang festival dahil sa regulasyon.
Medyo may kaselanan ang tema at mataÂtapang na mga eksena (bagama’t artistiko ang pagkakagawa ayon sa mga nakapanood na), nakakuha ito sa MTRCB ng R-16 without cuts kaya mapapanood pa rin ito sa SM Cinemas.
Mula sa panulat ng Palanca awardee na si Jerry Gracio at sa direksyon ng multi-awarded director Joel Lamangan, kuwento ito ng siga na si Johnny (Allen Dizon) na may tatlong asawa (Jean Garcia, Sunshine Dizon, at Jackie Rice).
Nakatira sila sa isang mahirap na komunidad (Sitio Camcam) na kinamkam umano ng mga tao kaya ito ang naging pangalan ng lugar.
Naghahari rito ang karakter ni Allen sa kurapsyon at mga ilegal na gawain, dinidemolis ang nasabing lugar. Istorya rin ito ng pamilyang apektado ng kaguluhan ang mga anak.
“Ito’y isang pagsusuri sa kurapsyong dulot ng sistemang patriarkal sa mga mahihirap. Ang labis na kapangyarihan ay nakakakurap at nagwawasak ng relasyong pampamilya at pangkomunidad,†paglalahad ni Gracio.
Pati ang pagmamahalan ng kabataan ay apekÂtado ng masalimuot na mundong kanilang ginagalawan.
Magkakapareha rito ang mga batang aktor ng GMA - sina Joyce Ching at Hiro Peralta; Rita De Guzman at Lucho Ayala.
“Very complex ang kuwento ng Kamkam. Gusto kong bigyan ng buhay ang istorya ng pamilyang nabubuhay sa kurapÂsyon sa isang mahirap na komunidad. Isa sa mga highlight nito ang komprontasyon ng tatlong asawa ni Allen, na ang backdrop ay ang demoÂlisyon at kabulukan ng sistema sa gobyerno... Sinisiguro kong isang makabuluhang pelikula ang aming nabuo,†ayon sa batikang direktor na si Lamangan.
Kaya lang tinupok ng apoy nu’ng isang buwan ang BaÂrangay Aplaya sa Kawit, Cavite kung saan kinukunan ang kabuuan ng Kamkam, limang araw bago natapos ang shooting. Dahil dito, isa na lamang alaala ang lugar na makikita sa pelikula.
Kasama rin sa pelikula sina Emilio Garcia, Jaime Pebanco, Kerbie Zamora, Tony Mabesa at ang mga baguhang sina Athena Bautista at Zeke Sarmenta.
Marian naipakita ang kagalingan sa paggiling
Swak si Marian Rivera sa kanyang bagong dance show na nagsimulang umere last Saturday night sa GMA 7. Tama lang na medÂyo bitin dahil lalong na-excite ang viewers na abangan ang susunod na episode.
Mahusay gumiling-giling si Marian. At si Gov. Vilma Santos, ang husay pa rin niyang sumayaw at kayang makipagsabayan kay Marian.