^

PSN Showbiz

Marian at Dingdong walang malaking birthday party

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

Nasabi ni Marian Rivera sa isang TV show na handa na niyang bigyan ng anak ang longtime boyfriend na si Dingdong Dantes. Nang tanungin ang aktor tungkol dito ay napangiti lang ito. Inaasam-asam rin ni Dingdong na magkaroon ng anak kaya nga noong dumalo sa binyag at birthday ni Baby Zion ay nandun ang inggit factor.

Malapit na ang kaarawan ng dalawa - si Dingdong  sa August 2 at si Marian naman ay sa August 12 pero may charity events ang dalawa.

Pupunta si Dingdong sa Iloilo kasama ang nobya.

May project naman si Marian kung saan mamimigay siya ng bangka sa Nothern Cebu dahil mayroon itong Adopt-a-banca project.

Kahit sobrang mahal, Lovi never maghahabol sa lalaki

Inamin ni Lovi Poe na ang karakter na ginagampanan niya sa Ang Dalawang Mrs. Real ay taliwas sa tunay niyang pagkatao dahil never siyang maghahabol sa lalaki.

Bilang si Shiela sa teleserye ay mabubuntis ito ni Dingdong na may asawa na at dahil sa higpit ng tatay nito ay kinailangang magpakasal sila ng aktor na gumaganap na Anthony sa soap opera.

Ayon pa rin kay Lovi kahit sobrang mahal niya ang lalaki ay hindi pa rin siya maghahabol dito.

“Ang buhay ko ay hindi nakasentro sa iisang lalaki. Mahal ko rin ang buhay ko. I give a lot pero may limitations,” aniya.

Mga programang may-aral…

Magaganda ang mga programa sa GMA Network gaya ng Niño na nagpapakita ng values kung saan kapupulutan ng aral. Ibabalik din nila ang Yagit na napanood sa mga sinehan noong 1980’s at kapupulutan din ito ng aral.

Nakatakdang gumawa ng nationwide search ang GMA Network ngayong buwan para sa mga potential child stars na magbibigay buhay sa mga katauhan nila.

Ang Yagit ay sa direksyon ni Gina Alajar at ang traditional dramatic storyline ay mula kina Eddie Ilarde at Jose Miranda Cruz.

 

vuukle comment

ANG YAGIT

BABY ZION

DINGDONG DANTES

EDDIE ILARDE

GINA ALAJAR

JOSE MIRANDA CRUZ

LOVI

LOVI POE

MARIAN RIVERA

MRS. REAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with