Mabuti at hindi na nag-comment si Richard Gutierrez sa post ni Esther Lahbati sa kanyang Instagram (IG) na “Fans ni Sarah ang may gawa ng mga ‘yun†nang i-repost ng aktor ang pictures ni Baby Zion with his grandparents from both sides.
Ipinaalam ni Esther na hindi si Richard, kundi ang fans ni Sarah Lahbati ang may gawa ng pictures, ang nangyari, nagsasagutan sa IG ni Richard ang fans niya at nakikisimpatiya kay Esther. Pinuri si Richard dahil hindi na sumagot sa comment ng mom ni Sarah. Mukhang magtatagal pa ang isyung ito dahil patuloy si Esther sa paglabas ng tampo sa kanyang IG.
Sa gitna ng isyu, tuloy si Richard sa pagpu-promote ng Overtime nila ni Lauren Young na showing sa July 2. Sabi nito sa presscon, isa sa mga rason kung bakit tinanggap niya ang pelikula ay dahil iba ang karakter niya at bida-kontrabida siya rito. Bago ito sa kanya na ang past movies na ginawa ay rom-com at bida siya.
“Action-thriller ito, fast-paced at bida-kontrabida ako. Medyo naka-istorbo ang movie sa pagiging daddy ko, pero okay lang dahil maganda ang pelikula. I’m happy to be working with Lauren because she’s very passionate,†banggit ni Richard.
Balik kay Zion, sabi ni Richard, nag-open na sila ni Sarah ng savings account ng baby nila. Sila rin ni Sarah ang magde-decide kung may endorsement offer na dumating, pero ikukunsulta nila sa kanilang mga pamilya.
Matapos makatikim ng galit ng mga kaibigan Jillian gusto rin naman daw ang 1D
Natawa kami kay Jillian Ward nang makausap sa presscon ng My BFF dahil binawi ang unang statement na “I hate One Direction.†May mga nag-react palang friends niya na fans ng 1D, pero in fairness sa kanya, sinabi niya ito bago ang isyu sa dalawang members ng sikat na grupo.
Sabi ni Jillian, hindi niya talagang hate ang 1D, gusto rin niya ang songs nila, pero hindi siya super fan. Gusto rin niyang manood ng concert ng 1D next year kung may magbibigay ng tiket, pero hindi siya bibili dahil masyadong mahal ang ticket.
Ang wish ngayon ni Jillian, hindi na magalit sa kanya ang friends niyang fans ng 1D.
Samantala, kahit magka-edad, pumapapel na ate si Jillian ni Mona Louise sa taping. Naaawa siya rito dahil diabetic at nakikita niyang nag-i-inject ng insulin sa sarili. Sana raw, wala na lang sakit si Mona, pero bilib siya rito dahil kahit may sakit, masayahin at masipag pa ring magtrabaho.
Benjamin bad boy na!
Tumatak sa viewers ang role at karakter ni Benjamin Alves na Bok sa Adarna, mag-i-effort siya ngayon na tumatak din sa tao ang karakter niyang si Joemer sa Dading. Mala-James Dean ang atake niya sa role sa Afternoon Prime na magsisimula bukas.
Natutuwa si Benjamin na may followers na ang tambalan nila ni Glaiza de Castro na tiyak kikiligin dahil marami silang eksenang naghahalikan. Natawa ang aktor nang sabihin naming baka magka-developan silang dalawa lalo’t parehong single.
Re-run ng Rak of Aegis mas maganda
Nakasabay naming manood sa opening last Friday ng re-run ng Rak of Aegis ang mag-asawang sina Direk Erick Reyes at Rita Avila. Kita naming nag-enjoy ang dalawa’t malakas rin ang tawa sa mga nakakatuwang eksena. Wala na sa isip nila ang basher ni Rita na nagpa-react kay Direk Erick at ipinagtanggol ang asawa.
Mas gusto namin ang script ng Rak of Aegis ngayon, mas solid at mas maraming nakakatawang eksena at dialogue. Aliw ‘yung scene na naka-panty lang si Kakai Bautista habang nasa ibaba ng bahay nila si Jerald Napoles.