Ate Guy laglag sa pagiging National Artist, naitsapuwera pa sa MMFF!

MANILA, Philippines - Doble-doble ang nararamdamang kalungkutan ng Noranians.

Bukod kasi sa laglag ang pangalan ni Nora Aunor sa idineklarang mga bagong National Artist ng Malacañang, naitsapwera rin ang script ng pelikulang pagbibidahan ni Ate Guy sa gaganaping Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December.

Hindi nakasama ang script ng pelikulang Whistleblower na bida sana ang superstar sa walong napiling official entries ng film fiesta sa Pasko. Kaya todo ang pagluluksa ng fans ng superstar.

Ang walong napili ay ang mga sumusunod :

Praybeyt Benjamin 2 (Viva Films at ABS-CBN Film Productions) Vice Ganda and Bimby Yap

My Big Bossings Adventures (OctoArts Films, M-Zet Films at APT Entertainment)  Vic Sotto and Ryzza Mae Dizon

Kubot: The Aswang Chronicles 2 (Reality Entertainment, GMA Films at Agostodos Pictures Inc.)  Dingdong Dantes and Isabelle Daza

Shake, Rattle & Roll 15 (Regal Entertainment Inc.) Carla Abellana and Tom Rodriguez

Bonifacio, Gusto Mo Ba Siyang Makilala? (Phillipians Productions and Events Inc.) Robin Padilla

Feng Shui 2 (ABS-CBN Film Productions and Kris Aquino Productions ) Kris Aquino and Coco Martin

English Only Please? (Quantum Films and Heaven’s Best Entertainment) Derek Ramsay and Angeline Quinto

Magnum Muslim .357 ( Scenema Concept International Inc.) – ER Ejercito

At sakaling may dalawang mag-back out sa walong napili, ang Kid Kulafu ni Cesar Montano/Alessandra de Rossi at Kung Ang Hanap Mo ay Ligaya sa Buhay nina Boots Anson Roa and Ronnie Liang ang papalit.

Bukod sa Whistleblower hindi rin nakapasok sa walong nakasali ang solo movie ni BB Gandanghari na Bonggaster and Above The Clouds ni Ruru Madrid.

Kaya nga todo-todo talaga ang pagluluksa ng fans at kaibigan ni Ate Guy na umasang makakasama ito ang pararangalang National Artist at mapapanood sa MMFF, pero parehong walang himalang naganap. Sa Facebook account ng Nora Aunor for National Artist, itim na logo ang iniligay nila bilang simbolo ng kanilang sakit at pagluluksang nararamdaman. “Ang itim na profile pic ng ating fanpage ay simbolo ng pagluluksa sa hindi makatarungang pagtanggal sa pangalang NORA AUNOR sa listahan ng mga nominado bilang National Artists. Maaari nyo ring gawin ito bilang pakikiisa sa pagdadalamhati ng sangkanoranianan sa buong mundo. Ate Guy, ikaw pa rin ang Superstar at ikaw pa rin ang TUNAY NA NATIONAL ARTIST sa wagas na pakahulugan. Ang hindi pagproklama sa iyo ay hindi makadudungis ng iyong tagumpay bilang tunay na alagad ng sining. Mahal ka namin.”

Nauna nang hindi pinalad na manalong best actress si Ate Guy sa Urian.

                                                                                                             

Show comments