Celebrity Dance Battle handa na sa Grand Finals

MANILA, Philippines - Ngayong Sabado, June 21, mas lalong mag-iinit ang championship fever ng Celebrity Dance Battle lalo na at muling ipapakita ang best at stand-out performances ng limang celebrity finalists na maglalaban-laban para sa 1M grand prize ng Celebrity Dance Battle Finals sa June 28.

Muling mapapanood ng mga Kapatid viewers ang fancy footworks ni Gary “El Granada” David ng PBA hindi sa hard court kundi sa dance stage. Ipapakita naman ng beauty queen na si Priscilla Meirelles na bumalik na sya sa tip-top shape para humataw sa dance floor. Muli ring patutunayan ni Iwa Moto ang kanyang pagiging dance vixen sa pamamagitan ng kanyang mga sizzling dance moves. Saglit namang bababa ang showbiz royalty at daring dancer na si Ciara Sotto sa kanyang pole dancing para sumabak sa isang matinding dance routine sa grand finals.

Ipapamalas naman ng wild card finalist na si Rafa-Siguion-Reyna kung bakit siya ang deserving na lumaban para sa inaasam na P1 M grand prize sa Celebrity Dance Battle Grand Finals.

Sa pangunguna ng dance goddess ng Philippine television na si Lucy Torres-Gomez, kasama ang Semerad twins na sina Anthony and David, mapapanood ang Celebrity Dance Battle ngayong Sabado, 9:15pm sa TV5.

 

Show comments