Mader Ricky 10 years nang adik sa ballroom dancing

MANILA, Philippines - Natatandaan n’yo ba ang sikat na awitin ni Yoyoy Villame na Mag-exercie Tayo Tuwing Umaga na sumikat dalawang dekada na ang nakakaraan?

Patutunayan ng mga na-interbyu ni Mader Ricky sa kanyang programang Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) na ito’y totoo.  Ang exer-sayaw ay nakakapagpa-relax  at nakakatibay ng katawan ng mga senior citizens o ang mga may edad na 60 anyos pataas.

Itatampok din ang dalawang magagaling at seksing sina Regine Tolentino at Geleen Eugenio na nagturo at humasa sa mga taga-showbiz na bumandera sa sayawan.

Bibisita si Mader Ricky sa taping ng bagong Kapuso  dance show na Marian at dito’y ibibida ng Primetime Queen ang kanyang hilig sa pagsasayaw bago siya napasok sa commercial modeling at pag-aartista. 

May bonus na istoryang romantiko pa tungkol sa isang babae’t isang lalake na sa dance floor nagkakilala at nagkaibigan.  Ito ang tunay na sayaw ng pag-ibig. Aaminin din ni Mader Ricky na siya ma’y adik sa ballroom dancing  sampung taon na ang nakakaraan

Huwag kaligtaang panoorin ang GRR TNT tuwing Sabado alas-nuwebe hanggang alas-diyes ng umaga sa GMA News TV.  Produksyon ito ng ScriptoVision.

Kapuso stars lilibot sa mga festival ngayong weekend

Ilang linggo bago mapahanga ng promising actress na si Lauren Young ang mga manonood sa takilya sa kanyang unang mainstream starrer na Overtime ng GMA Films, pupunta muna siya sa Davao Oriental para makita at ma-experience ang pagdiriwang nito ng Araw ng Banaybanay ngayong weekend.

Hinirang ng Department of Tourism bilang isa sa festival attractions ng Southern Mindanao, ang Araw ng Banaybanay ay idinaraos para gunitain ang pagi­ging munisipalidad ng Banaybanay.

Ngayong araw, June 21, pangungunahan ni Lauren ang isang masayang Kapuso Fiesta na binuo para sa ikatutuwa ng mga Dabawenyo. Makakasama ni Lauren si Geoff Eigenmann sa Banaybanay Gym simula 7PM. Ang komedyanteng si Boobay naman ang host ng event.

Sa Linggo, June 22, isang kwelang Kapuso Mall Show tampok ang GMA Artist Center talent na si Jeric Gonzales at ang veteran stand-up comedians na sina Ate Gay at Chubbylita ang magaganap sa Events & Convention Center ng KCC Mall of GenSan simula 6PM.

Sa nasabing venue rin idaraos ang Mindanao leg ng auditions para sa nagbabalik na hit ‘80s drama series na Yagit. Magsisimula ang auditions mula 10:00 AM hanggang 5:00 PM sa Linggo, June 22.

Ngayong araw din nakatakdang ipagdiwang ang 6th Pagnahi-An Festival in Iloilo. Makakasama ng mga Ilonggo si Bela Padilla at si Derrick Monasterio sa event center ng Bingawan Gym sa ganap na 8PM.

Samantala, isang nakatatakam na festival naman ang niluluto sa Luzon dahil ipagdiriwang ng City of Batac sa Ilocos Norte ang taunan nitong Empanada Festival.

Makikisaya ang stars ng newest family drama series ng GMA na My BFF  ngayong Sabado, June 21. Bibida sa isang Kapuso Fiesta si Mona Louise Rey kasama sina Valerie Concepcion at Hiro Pe­ralta sa Imelda Cultural Center simula 7PM.

Show comments