Rosanna at Claudine magkabarkada!; Kahit nasa kulungan, show ni Sen. Bong tuloy pa rin

PIK: Nakitaan pa rin ng katatagan ang buong pamilya ni Sen. Bong Revilla pagkatapos siyang sumuko sa Sandiganbayan.

As of press time, nasa Camp Crame na si Sen. Bong at dumadaan ito sa booking procedure na kung saan idinadaan siya sa proseso bago siya dalhin sa kanyang detention cell.

Karamihan sa mga taga-showbiz ay nalulungkot sa pinagdaraanan ngayon ni Sen. Bong.

Isa sa laging kasama at hindi iniiwan si Sen. Bong ay si Phillip Salvador na isa sa apektado sa nangyari sa best friend.

Patuloy pa rin ang suporta ng GMA 7 kay Sen. Bong, kaya tuloy pa rin ang Kap’s Amazing Stories na mapapanood bukas ng umaga na tumatalakay sa Weapons of the Wild na nasa episode 2 na at part 1 ng Jaws and Claws.

PAK: Kung inamin ni Ricky Davao na may bading na nanligaw sa kanya, ganundin daw kay Gabby Eigenmann nung nagsisimula pa lang siyang mag-artista.

Inamin naman ni Gabby sa presscon ng bagong drama series niyang Dading na meron daw talagang nagpaparamdam na mga bading, pero wala naman daw nangyayari dahil karamihan ay naging kaibigan niya.

Marami raw siyang close friends na mga bading na nakukunan niya ng tips sa pag-arte niya na bading dito sa Dading.

Sa Lunes ng hapon na magsisimula ang Dading, pagkatapos ng The Half Sisters.

BOOM: As of press time, naghihintay pa rin kami sa labas ng korte kung ano ang kahihinatnan ng paghaharap nina Raymart Santiago at Claudine Barretto sa korte kahapon.

 Ayon kay Atty. Ferdie Topacio, ito raw ang Judicial Dispute Resolution ng kasong Habeas Corpus na dininig sa Branch 192 ng Marikina Regional Trial Court.

Pinalabas ng korte ang lahat ng mga tao maliban lamang kina Raymart at Claudine.           

Humarap ang mag-asawa kay Judge Geraldine Fiel-Macaraig para pag-usapan ang custody ng anak nilang sina Sabina at Santino.

Halos isang oras na sila sa loob ng korte, at wala pang nakaaalam kung ano ang magiging resulta ng pag-uusap.

Hindi nagsalita si Claudine nang dumating ito. Sabi ni Atty. Topacio, nati-tense lang daw siya sa pagharap nito sa hearing.

Sabi naman ni Raymart bago pumasok sa korte; “Matagal-tagal na rin ‘tong kasong ito. Hopefully, magkalinawan na kung ano ang mangyayari sa kaso.”

Kailangan lang daw niyang gawin iyon, para sa mga anak niya.  

Hindi lang daw niya alam kung bakit sumasali pa si Rosanna Roces na nagkokomento sa panig ni Claudine.

Sagot ng aktor: “Narinig ko lang ‘yun eh. Hindi ko pa alam kung ano ang pinag-usapan nila. Magkabarkada na sila ngayon?” napapangiting pakli ni Raymart.

Show comments