MANILA, Philippines – Inamin na rin sa unang pagkakataon ni Pop Star Princess Sarah Geronimo na dyowa niya si Matteo Guidicelli.
Sinabi ito ni Sarah sa isang taped interview na umere sa “Aquino & Abunda Tonight†kagabi.
“Sige, sabihin ko na po, boyfriend ko na po si Matteo... Kasi marami na rin nagsasabi na paligoy-ligoy, di ba, so yun po,†wika ng singer/actress.
Napag-alamanang "mahal" ang tawag ng 24-anyos na aktor kay Sarah.
Noong nakaraang taon pa ang usap-usapang sila na ngunit panay ang kanilang pag-deny sa isyu.
Si Matteo ang kauna-unahang boyfriend ni Sarah na inihayag niya sa publiko.