SEEN : Ang live telecast ng 37th Gawad Urian sa Cinema One noong Martes ng gabi mula sa Dolphy TÂheater.
Namayagpag uli ang mga indie movie at indie actors dahil sila ang nakakuha ng pinakamaraÂming parangal mula sa award-giving body ng mga Manunuri ng Pelikulang Pilipino.
Magkakaroon ng replay telecasts sa June 21 and June 26 at 7:00 p.m. and on June 29 at 2:00 p.m. sa Cinema One.
SCENE : Isa sa mga nagsilbing presenter ang veteran actress na si Amalia Fuentes na kilig na kilig sa kanyang idol na si Piolo Pascual.
Maraming beses na hinalikan ni Amalia si Piolo na mabangung-mabango sa kanyang pang-amoy.
SEEN : Si Angeli Bayani ng Norte Hangganan ng Kasaysayan ang best actress ng 37th Gawad Urian.
Tinalo ni Angeli ang Star for All Seasons Vilma Santos at Superstar Nora Aunor.
SCENE: Ang mga nagwagi sa 37th Gawad Urian:
Pinakamahusay na Pelikula: Norte, Hangganan ng Kasaysayan
Pinakamahusay na Pangunahing Aktres: Angeli Bayani (Norte, Hangganan ng Kasaysayan
Pinakamahusay na Panguhahing Aktor: Joel Torre (On the Job)
Pinakamahusay na Direksyon: Hannah Espia (Transit)
Pinakamahusay na Dulang Pampelikula: Lav Diaz at Rody Vera (Norte, Hangganan ng Kasaysayan)
Pinakamahusay na Sinematograpiya: Lauro Rene Manda (Norte, Hangganan ng Kasaysayan)
Pinakamahusay na Disenyong Pamproduksyon: Adolfo Alix, Jr. (Porno)
Pinakamahusay na Musika: Emerson Texon (Sonata)
Pinakamahusay na Editing: Chuck Gutierrez (Riddles of My Homecoming)
Pinakamahusay na Tunog: Corinne de San Jose (On the Job)
Pinakamahusay na Dokumentaryo: Nanay MaÂmeng
Pinakamahusay na MaÂikÂling Pelikula: Missing
Pinakamahusay na PaÂngalawang Aktor: Junjun Quintana (A Philippino Story)
Pinakamahusay na PaÂngalawang Aktres: Angel Aquino (Ang Huling Chacha ni Anita)
May special tribute naman ang nasirang director na si Gerardo “Gerry†de Leon.
SCENE : Hindi na dapat sinasagot ni Ruffa Gutierrez at ng ibang mga artista ang kanilang mga basher dahil ang mainis, talo.
Block lang ang katapat ng mga basher na libangan na ang mambuwisit ng kapwa.
SEEN : Hindi problema kay Senator Jinggoy Estrada ang makulong siya sa Camp Crame dahil bukod sa paninindigan niya ang pagiging sexy, malapit ang Camp Crame sa bahay nila sa Greenhills, San Juan City.
SCENE : Ngayon ang 153rd birth aÂnniversary ng national hero na si Dr. Jose Rizal. Sa pangunguna ni Calamba City Mayor Justin Chipeco, ipagdiriwang ngayon sa birth place ni Rizal ang kanyang kaarawan sa pamamagitan ng Float Parade competition at Buhayani SayawIndak Street Dancing competition.