Finally pakakasal na! Direk Paul naiisip na ang honeymoon nila ni Toni

Mukhang nalalapit na talaga ang pagpapakasal ng magkasintahang sina Toni Gonzaga at Paul Soriano. Ngayon ay naiisip na raw ni Direk Paul ang kanilang magiging honeymoon ng aktres.

“The honeymoon, ba­ka ready na. I think it’s something that we both want to do because we’ve never really done that. Once the wedding day comes, the travelling will be plenty,” bungad ni Direk Paul.

“I’m finishing up a lot of stuff now and I think when I’m done with this film that I’m producing, I’m also going to be directing a film this year, when it all settles, I think there’s going to be a lot of time to start planning for the rest of my life. I’m excited about that,” dagdag ng binata. Naghihintay lamang daw si Direk Paul ng tamang panahon kung kailan siya magpo-propose ng kasal kay Toni.

 â€œI know she’s very busy, of course PBB (Pinoy Big Brother) just came out. She’s got her sitcom (Home Sweetie Home). She just came off a box-office hit movie. I know there are a couple of things that she wants to do some more before we can really sit down and plan the rest of our lives. But that’s definitely somewhere out there real soon,” paliwanag ni Direk Paul.

Pitong taon na ngayong kasintahan ng binata ang aktres.

Maja hindi pa sumasagi sa isip ang pag-aasawa

Ayaw daw makasama ni Maja Salvador sa isang proyekto ang kasintahang si Gerald Anderson.

“Oo naman, napag-usapan na kasi namin ‘yan eh. Kasi mas maganda kapag nakahiwalay ‘yung sa amin at sa trabaho namin para mas makatrabaho kami nang maigi,” paliwanag ni Maja. Isa raw sa mga sikreto ng kanilang masayang relasyon ng aktor ay ang pagkakaroon ng privacy. Kahit abala sa kanya-kanyang mga proyekto sina Maja at Gerald ay gumagawa pa rin sila ng paraan upang maging masaya ang kanilang relasyon.

“Siyempre mahirap ‘yung schedules namin ngayon pero magagawan at magagawan ng paraan ‘yun. Busy din ako sa album tour, siyempre kailangan natin mag-prepare para sa concert. Pero at least nakakapag-text,” nakangiting pahayag ng dalaga.

Samantala, hindi pa rin sumasagi sa isipan ni Maja ang pag-aasawa lalo pa’t marami pa raw siyang gustong gawin sa kanyang career.

“Dahan-dahan lang sa buhay. Mahaba pa po. Kung darating ‘yun, dara­ting, pero sabi nga sa kanta ko,  dahan-dahan lang,” natatawang pagtatapos ng aktres.

Ngayon ay abala si Maja para sa nalalapit niyang concert na gaganapin sa Music Museum sa July 22 na may titulong ‘Maj: The Legal Performer’. Reports from JAMES C. CANTOS    

                                                          

Show comments