May solo concert na si Maja Salvador – Maj : The Legal Performer.
Ito ay matapos mag-gold ang kanyang kauna-unahang album na Believe.
Siya ba ang nakaisip na magkaroon ng concert? Meron daw siyang producer. Saka sa Music Museum lang. Pero isa talaga ang concert sa matagal na niyang pinapangarap.
Mag-aalala-Britney Spears at J. Lo siya sa The Legal Performer. Magiging guest niya sina Piolo Pascual, Rayver Cruz, Enchong Dee and Enrique Gil.
Bakit si Gerald hindi kasama sa mga guest niya?
“Nag-usap na kami. Gusto naming hiwalay talaga ang trabaho namin sa aming relasyon para mas makatrabaho nang maigi kasi may kanya-kanya naman kaming dapat gawin,†rason niya kaya ‘wag aasang sasayaw ang boyfriend sa kanyang concert.
Eh si Kim (Chiu) invited ba niya na manood?
“Sa nanay ko ang daming invited. Eh alam mo naman ang Music Museum hindi masyadong malaki,†sagot niya na ibig sabihin ay hindi na siya magkakaroon ng chance na mang-imbita dahil almost sold out na nga raw kaya malamang na magkaroon ng repeat.
Nag-aambisyon din ba siyang magkapag-concert sa Araneta? “Siyempre ultimate na ‘yun.â€
May nang-iintriga naman na suma-Sarah Geronimo siya dahil nga nagko-concert na rin siya. “Iba naman si Sarah,†maiksing sabi ng aktres.
Ayon kay Maja walang intriga sa kanila ni Sarah dahil nagbabatian sila lalo na ‘pag nagkikita sila sa ASAP.
Ano namang masasabi niya kina Sarah at Matteo Guidicelli na ex niya na nagpapasaya at nagpapaganda ng aura ni Sarah? “Let’s all be happy,†sabi niya.
Si Maja ang tinaguriang Dance Princess of the Philippines dahil sa galing niya sa hatawan. May hangover pa rin ang lahat sa kanyang kakaibang performance bilang kabit sa The Legal Wife na nagtapos sa ere last week.
Ang Maj: The Legal Performer ay produced ng Hills & Dreams Events Concepts Co, at ididirihe ni Mr. Johnny Manahan with Marvin Querido as the musical director.