Max na-enjoy ang pagsusuot ng prosthetics

MANILA, Philippines - Sa Hunyo 20 (Biyernes) ay magwawakas na ang GMA Afternoon Prime drama series na Innamorata, kaya naman sa pagtatapos nito ay lubos ang pasasalamat ng Kapuso artist na si Max Collins sa naging  mainit na pagtanggap ng mga manonood sa kanyang first lead role.

Bagamat naging challenge para kay Max ang karakter  niya bilang  si  Esperanza gayon din ang pagsusuot niya ng prosthetics, masayang inihayag ng aktres kung gaano siya nag-enjoy sa set. “As I always say, sobrang blessed lang talaga ko. Blessing siya dahil hindi mo naman makokontrol ang reaction ng viewers and response nila sa kwento. Sa set naman, lahat kami  ay close at lahat tumutulong sa isa’t isa. Para kaming family. It’s really nice to work with people who are down to earth kasi lahat sila very humble. ‘Yung mga girls wala silang kaartehan sa katawan, ang mga boys naman very magalang.”

Samantala sa finale week ng Innamorata, patuloy pa rin ang kasamaan ni Ale­jandra (Gwen Zamora). Magawa pa kayang pigilan nina Esper (Max), Dencio (Dion Ignacio), at Edwin (Luis Alandy) si Alejandra? Sa pagtatapos ng istorya, hindi rin dapat palampasin kung sino nga ba kina Dencio at Edwin ang pipiliin ni Esper?

Subaybayan ang huling linggo ng Innamorata na mapapanood Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng The Half Sisters sa Afternoon Prime block ng GMA.

Show comments