Panawagan sa nanay ni Ryzza Mae na isang taong tumira ng libre, ‘Isaoli mo ang susi ng condo ko, hindi ako papayag na patirahin mo doon ang BF mo’

Nababasa ko ang mga pralala na nakabili at lumipat na si Ryzza Mae Dizon sa bagong bahay nito sa Quezon City at inilabas na rin niya ang picture ng kanyang kuwarto pero hindi pa rin nila ibinabalik ang susi ng condominium unit ko.

Sa tuwing kinukulit ko ang staff ng condominium building tungkol sa susi, hindi pa raw ibinabalik ng nanay ni Ryzza na si Riza dahil may mga gamit pa ito na ipinapa-deliver sa condominium unit.

Malisyosa ako sa dilang malisyosa dahil kung talagang nakalipat na sila sa kanilang bagong bili ng bahay, dito niya dapat ipa-deliver  ang mga gamit na binili para hindi na doble ang pagod nila.

Halos isang taon na tumira nang libre sa condo unit ko ang mag-inang Ryzza at Riza at siguro naman, karapatan ko nang bawiin ang susi ‘di ba?

May nagsabi sa akin na parang gusto raw ng madir ni Ryzza na patirahin sa condo unit ko ang kanyang boyfriend kapag nakalipat na sila sa bagong bahay.

Hindi ko pinangarap na tumira sa condo unit ko ang boyfriend ng nanay ni Ryzza ‘no! Baka pumayag pa ako kung sasabihin ni Ryzza Mae na ang boyfriend niya ang kanyang patitirahin na imposibleng mangyari dahil bagets pa siya.

Matagal ko nang binabawi ang susi ng condo unit ko mula sa nanay ni Ryzza pero dedma siya at baka sakaling magkaroon ng resulta ang panawagan ko dahil isinulat ko na nga ang mga agam-agam ko sa buhay.

Richard maligayang-maligaya sa bagong kabanata ng buhay

Napag-uusapan nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati ang pagpapa­ kasal nila pero hindi pa sa lalong madaling panahon.

Kung si Richard ang tatanungin, isang grand wedding para sa kanila ni Sa­rah ang gusto niya.

Kesehodang nakasuot siya ng shades, kitang-kita ko ang pagkislap ng mga mata ni Richard kapag si Sarah at ang kanilang anak na si Zion ang topic.

 â€œI fell in love with her” ang walang kagatul-gatol na sagot ni Richard nang tanungin siya ng mga reporter na umapir kahapon sa presscon ng Overtime tungkol sa pagmamahal niya sa kanyang girlfriend.

Todo ngiti si Richard kapag tinatawag ito na “daddy” ng entertainment press kaya ramdam na ramdam ng lahat na maligayang-maligaya siya sa bagong kabanata ng kanyang buhay.

Tungkol sa Overtime ang presscon na ipinatawag kahapon ng GMA Films pero hindi naiwasan na tanungin si Richard tungkol kay Baby Zion. Hindi nabigo ang press dahil ganadong-ganado si Richard sa pagkukuwento.

Ang Overtime ang suspense thriller movie ni Richard na mula sa direksyon nina Wincy Ong at Earl Ignacio. Sayang dahil no-show kahapon si Wincy sa presscon dahil chance na sana na makilala siya ng entertainment writers.

Si Earl lang ang humarap sa mga reporter na nagtanong tungkol sa plot at mga eksena ng Overtime na kakaiba raw ang kuwento kaya dapat panoorin.

Sinubukan ng ibang mga reporter na usisain si Earl tungkol sa lovelife nito. Inawat ko ang mga reporter bilang respeto kay Earl at sa kanyang ex-wife na si Cookie Chua. Matagal nang annulled ang kasal nila at 14-years old na ang kanilang one and only child.

Alam ko na may ibubuga si Earl sa pamamahala ng pelikula kaya interesado ako na mapanood ang Overtime.

Show comments